AKO AY SIMPLENG TAO LAMANG

Foto Muhammad Qasim's dreams English.
Sa Pebrero 23
Sinabi sa akin ni Allah sa isang panaginip na gumawa ng ilang gawain at ginagawa ko ito.
May mga ibang taong nagsabi nililigaw ko ang mga tao.
Sa pamamagitan ng paggamit ng pangalan ng Allah at ng Kanyang Sugo ﷺ.
Ang iba naman sinasabi na gawa-gawa ko lang ang pagsulat ng mga panaginip.
At subukan na ipahiwatig sa mga tao na tila ako ay si Imam Mahdi (ang guided imam)
Habang sinasabi ng ilang tao na ako ay isang sinungaling, ngayon ay tumutugon ako sa mga pahayag na ito.
Hindi ko ginagamit ang pangalan ng Allah at ang Kanyang Sugo ﷺ.
Upang linlangin ang mga tao at hindi ko isinulat ang mga panaginip na ito sa sarili kong kagustuhan.
Hindi ko rin ipinahiwatig sa mga tao na ako si Imam Mahdi.
Hindi ko ginawa ang ganong pag-aamin.
At hindi ako Mesiyas.
Hindi din ako isang iskolar.
Ako lamang ay isang simpleng tao at hindi ako humingi ng anumang gantimpala mula sa sinuman.
Si Muhammad salallahu alayhi wasallam ay ang Huling Prophet ng Allah.
At ang Awa ng Allah ay para sa lahat.
Gusto ko lang maging isang kaibigan ni Allah. Iyon lang at ngayon dapat itong maging malinaw.
Ang mga panaginip ay mula kay Allah Rabbil Alamin. (Panginoon ng lahat ng nilikha)
Sinubukan ko ang lahat upang maisaysay ang mga ito nang eksakto tulad ng pagkakita ko sa kanila.
At si Allah Rabbil Alamin lamang ang maaaring magbago ng mga panaginip na ito sa katotohanan.
Humingi ako ng Tulong mula sa Allah lamang at tanging sa kanya ko lamang pinagkakatiwala
Hindi ko pinipilit ang sinuman na maniwala sa mga panaginip ko.
Ang bawat tao'y may karapatan na maniwala dito o hindi.
Si Allah at si Muhammd ﷺ, ang nagsabi sa akin na ibahagi ang mga panaginip na ito. At ito ang pinaggagawa ko.
Sinabi rin sa akin ni Allah “Qasim, kung sinuman ang tumatawag sa iyo na ikaw ay sinungaling. Sabihin sa kanya na “ ikaw at ako ay kapwa natin hilingin ang sumpa ng Allah para sa mga sinungaling.”
At sinuman ang gumagamit ng pangalan ni Allah at si Muhammad ﷺ. Upang lituhin ang mga tao, dapat siyang manatili sa impiyerno ng walang hanggan at ang sumpa ni Allah ay nasa mga sinungaling.
Ameen.

Komentar