ANG APAT NA BUWAN

Foto Muhammad Qasim's dreams English.
Nobyembre 24th 2015.
Sa isang panaginip nakita ni Muhammad Qasim na may kadiliman sa lahat ng lugar.
Ang kalangitan ay madilim din at may mga malalaking makina at eroplano na lumilipad.
Lahat ng bagay ay kontrolado nila. At ang mga tao ay walang ibang mapagpilian kundi tanggapin ang kanilang kalupitan.
Tapos nasabi ko sa aking sarili na batay sa aking mga panaginip. Kapag ang kadiliman ay nasa lahat ng lugar, makakita ako ng apat na buwan.
Tapos ito na ang aking palatandaan na darating ang tulong ni Allah.
Kaya't tumingin ako sa kalangitan at nakita ko ang unang buwan.
At nakita ko ang pangalawa at pangatlo.
Tapos nasabi ko na ang ika-apat na Buwan ay dapat narito din ngunit hindi ko ito makita .
Sa pagkalito ay tumingin ako sa buong kalangitan ngunit hindi ko ito makita.
Sumama ang loob ko at nagreklamo ako kay Allah na kung kailan ba darating ang kanyang tulong.
Sa sandaling iyon tumingin ako sa kalangitan, mismo sa itaas ko nakita ko ang ika-apat na buwan.
Tuwang-tuwa ako na alam ko na ang oras ng pangako ni Allah ang dumating na.
Umakyat ako sa isang napakataas na gusali at tumakbo ako sa gilid ng gusaling iyon.
At nag-umpisa akong tumakbo sa hangin sa pamamagitan ng awa ng Allah.
Tapos lumitaw ang nur (liwanag) ng Allah sa aking kanang hintuturo.
At sinimulan kong wasakin ang mga malalaking makina at mapanganib na mga eroplano, habang tumatakbo ako sa hangin.
Nabigyan ng pag-asa ang mga tao na kahit papaano ay may isang tao na nagtangkang wasakin ang mga sila.
Sa tulong ni Allah, nawasak ko ang lahat ng mga makina.
Maliban sa isang napakalaking makina.
Ang makinang ito ay pinagbabaril ako ng todo.
At tumakbo rin ako dito ng napakabilis.
Tapos hinagis ko ang nur ni Allah sa langit. Ang nur ay biglang kumalat sa buong kalangitan.
At agad winasak nito ang makina.
Tapos ang buong kalangit ay puno ng liwanag ni Allah.
Sa isang pagkakataon ay muli naming natamo ang aming kalayaan at ang bawat isa ay masaya.
Tapos bumaba ako sa lupa at ang mga tao ay nagtipon sa aking paligid.
Sinasabi na "Nagawa mo ang isang kamangha-manghang bagay."
Tapos sinabi ko "Hindi, ngunit naging posible lang 'to dahil sa tulong ni Allah".
"At katotohanang tinutulungan ng Allah ang kanyang mga tagapaglingkod."
Pagkatapos nito ay inanyayahan ako ng mga tao sa kanilang mga bahay para sa isang kapistahan.
Sabi ko na hindi na ito kinakailangan ang para dito ngunit sila ay pumipilit.
Sinabi ko ng pabiro sa kanila na kung mapapadami ko lamang ang aking sarili, magagawa kong pumunta sa lahat ng kabahayan.
Pagkatapos ay tumawa sila at sinabi "Kahit anuman ang mangyayare hindi ka namin iiwanang mag-isa.

Komentar