ANG ARAW BAGO PA ANG QIYAMAH

Foto Muhammad Qasim's dreams English.

Napanaginipan ni Muhammad Qasim ang maraming panaginip kung saan ito ang huling araw hanggang sa qiyamah (araw ng paghatol)
Ngunit lagi itong dinagdagan ni Allah bago ang isang araw na ito, mula sa kanyang awa.
Ito ay dahil hindi pa natapos ni Qasim ang tungkulin na ibinigay sa kanya.
Ang unang panaginip ni Qasim tungkol sa Qiyamah ay noong 1998.
Sabi ni Qasim:
Isasalaysay ko ang panaginip.
Ako ay nakipag-usap kay Allah habang siya ay nasa itaas ng kanyang trono.
Sinabi sa akin ni Allah "Qasim gawin mo ang lahat ng iyong tungkulin bago ang mag-alas sais ng hapon o 6pm upang maitatag ko ang Qiyamah".
Sinabi ko "Okay" at nagsimula akong lumakad sa bahay.
Nakakita ako ng isang binibini sa aking daan at nais ko siyang pakasalan.
Sinundan ko ang babae at tuluyan akong nakalimut.
Na ang Allah ay itatag ang Qiyamah sa alas sais ng hapon. At ang binibini ay naglalakad na may pagkabilis.
At hindi ko siya maabutan dahil sa maraming mga hadlang. Ito ay nagpabagal sa akin.
Noong hindi ko na siya makita, patuloy pa rin akong naghahanap sa kanya.
Nang matiyak ko na hindi ko na siya matagpuan, tiningnan ko ang aking relo at ito ay alas-otso na ng hapon o 8pm.
Nagulat ako.
At takot na takot. Umupo ako habang nakahawak ako sa aking ulo.
Iniisip ko kung ano ang nangyayari sa akin.
Ang Allah ay binigyan tayo ng isang pagkakataon at sinayang ko pa.
Ngunit nagtaka ako kung paano ako ay buhay pa habang lagpas na sa alas-sais o 6pm ng hapon?
Bumalik ako sa lugar na kung saan nakipag-usap ako kay Allah.
Punong-puno ako ng takot.
Tinanong ko si Allah na may tonong takot na takot "Oh, Allah. Bakit hindi mo pa itinatag ang Qiyamah?".
Ang Allah ay tumugon sa akin sa isang napaka-malambot at banayad na paraan.
Sinabi "Qasim, hindi mo sinabi sa akin kung nakumpleto mo ang iyong trabaho o hindi. Kaya hindi ako nagtatag ng Qiyamah".
Pagkatapos kung madama ang Awa ni Allah, gumaan ang pakiramdam ko.
Sinabi ko kay Allah kung paano ko natagpuan ang isang binibini.
At sinayang ang lahat ng aking oras sa paghahabol sa kanya.
At sa huli ay hindi ko din siya natagpuan.
Sinabi ng Allah "Walang problema Qasim para sa iyo hahabaan ko ang panahon bago ang Qiyamah. Pagod na pagod ka kailangan mong umuwi at magpahinga. Magtrabaho ka sa anumang araw na pipiliin mo. At kapag natapos mo ang iyong trabaho ay sabihin sa akin upang maitatag ko ang Qiyamah".
Masyado akong natuwa.
Sinabi ko kay Allah sa aking puso. Na ginawa mo ang isang malaking pabor sa akin ngayon.
Mula ngayon ay lagi na akong aasa sa iyo.
Nagpunta ako sa bahay at natulog at nagising ako sa alas 7 a.m.
Naligo ako at nagbihis ng bagong damit.
At sinimulan ko na ang aking trabaho.
Ang isa sa aking trabaho ay, alisin ang kadiliman sa mundo.
Nakumpleto ko ang lahat ng aking trabaho sa oras ng 10 o 11 a.m.
Sinabi ko sa aking sarili sa alas singko ng hapon o 5 p.m ay sasabihin ko kay Allah tungkol sa aking pagkumpleto.
Ngunit sa ngayon ang lahat ay mapayapa.
Ako at ang lahat ay nagpapakasaya at kumakain kami sa mga biyaya ng Allah.
Noong alas singko na ng hapon o 5 p.m., ako ay pumunta sa lugar kung saan ako ay nakipag-usap kay Allah.
Sinabi ko sa kanya na "kasama ang iyong tulong na natapos ko ang gawaing ibinigay mo sa akin".
Tapos sinabi ni Allah "Okay Qasim itatag ko na ngayon ang Qiyamah".
Tinanong ko kay Allah "Hindi mo itinatag ang Qiyamah kahapon dahil sa akin. Ibig mong sabihin ay dinagdagan mo ang buhay ng mga tao?".
Sinabi sa akin ni Allah "Hindi lamang dinagdagan ko ang kanilang buhay dinagdagan ko rin ang biyaya ko sa kanila".
Ang parehong bagay na nangyari sa akin sa totoong buhay.
Noong Oktubre, 2013 ang panahon na sinayang ko ang aking buhay.
At napagtanto ko na ang aking oras ay kailan man ay hindi na maibalik.
At si Allah ay nagsabi sa akin sa aking panaginip noong Desyembre 2013 na "Qasim, meron akong napakahalagang plano para sa iyo, sa ngayon magpahinga ka. At pagkatapos sasabihin ko sa iyo kung ano ang gagawin sa susunod".
Sa panaginip ko noong Abril 2014, sinabi sa akin ni Allah sa unang pagkakataon "Qasim isalaysay mo ang iyong mga panaginip sa buong mundo. Gusto kong malaman ng lahat kung nasaan ka".

Komentar