
Nakita ko ang panaginip na ito noong 2004, na nakatira ako sa isang bahay.
At isang araw ay kinausap ko ang aking sarili.
At pinanonood ako ni Allah sa kalangitan.
"Qasim anong klaseng buhay ito?"
"Hindi ka makagawa ng anumang bagay na mahalaga sa buong araw".
Pagkaraan ng ilang oras, dumating si Muhammad ﷺ sa aking tahanan.
At napaupo ako sa tabi niya.
At sinabi niya na "Tingnan mo Qasim naipasok kita sa isang magandang paaralan"
(Nakalimutan ko ang pangalan ng paaralan).
"Pupunta ka sa paaralan simula bukas".
Hinipo niya ang aking ulo at sinabi "Magbasa at magsulat ka sa paaralan at liwanagin ang aking pangalan sa buong mundo tulad noon."
Naging masaya ako na si Allah ay pinakinggan ako.
Na si Muhammad ﷺ ay ipinasok ako sa paaralan. At binigay sa akin ang address ng paaralan.
At sabi na "Darating ka sa paaralan bago mag alas-otso bukas".
Sabi ko din "Ok gagawin ko. lnshAllah (kung kagustuhan ni Allah) makakarating ako sa paaralan sa tamang oras."
Si Muhammad ﷺ ay hindi ako binigyan ng anumang libro.
Mayroon akong ilang mga lumang libro at tinipon ko ito.
At nagplantsa at naghanda ng mga damit para bukas.
Iniisip ko na ito ay isang karaniwang paaralan lamang. Sino ba naman ang magbigay-pansin sa akin doon?
Nagising ako sa umaga at nakahanda na.
At lumabas ako sa aking tahanan, medyo may kalayuan sa bahay, narating ko ang kanto sa kalye.
At hindi ko matandaan kung saan ako liliko.
Si Abu Bakr (radiallahuanhu /, ay nasiyahan si Allah sa kanya) ay dumaan doon.
Pinigilan ko siya upang itanong ang address ng paaralan.
Siya (radiallahuanhu) ay nagulat nang marinig ang pangalan ng paaralan.
At tumingin sa aking hetsura.
At tinanong ako "Bakit mo tinatanong ang address ng paaralang iyon"?
Sinabi ko na sa paaralang iyon ako ay nakapasok.
At ito ang aking unang araw.
Siya (radiallahuanhu) ay tumingin sa aking liham sa pagpasok at sinabing "Mashallah".
Sinabi niya(radiallahuanhu) sa akin and daan papunta sa paaralan.
At nagsimula akong maglakad patungo sa paaralan.
Nang malapit na ako sa eskuwelahan, lumaki ang mga mata ko sa pagkasorpresa.
Nasabi ko na gaano kahanga-hanga ang gusali ng paaralang ito.
At nakita ko ang ilang mga mag-aaral na may suot na napakagandang damit.
Napakaganda din ang kanilang mga bag.
Naisip ko na baka lang napadpad ako sa ibang paaralan?
Tapos tiningnan ko ang pangalan ng paaralan, sabi ko "Hindi. Ito nga ang aking paaralan".
Kung ganon, bakit hindi sinabi sa akin ni Muhammad ﷺ na ang paaralan na ito ay kahanga-hanga.
Litong-lito ako nang makita ko ang lahat ng ito at iniisip ko na ano ang nangyayari sa akin?
Ang aking mga damit ay napaka-ordinaryo.
At mayroon akong dala-dalang mga libro na mga napakaluma pa.
Sa labas ng paaralan ay may isang lugar ng karenderya.
Umupo ako doon, at ang ilang mga estudyante ay dumating.
At nakaupo sila sa mesa sa tabi ko.
Kinabahan ako sa pagkakita ko sa kanila.
Ang isa sa kanila ay tinanong ang aking pangalan at sinabi ko sa kanya ang aking pangalan.
Ang isa ay tinawag ako at hiniling sa akin na umupo sa kanila.
Sabi ko sa aking sarili na "Humanda ka Qasim, pagtatawan ka nila".
Umupo ako sa kanila at nakipag-usap sila sa akin ng napakagalang.
At tinanong ako na "Ikaw ay isang bagong mag-aaral dito? "
Sinabi ko "Oo. Ito ang unang araw ko dito".
Ang isa ay tinanong ako "Ano ang iyong kakainin?"
Sinabi ko na "Kumain na ako sa bahay".
Nag-order sila ng juice at sandwich para sa kanilang sarili at nag-order din para sa akin.
At sinabi sa akin na "Huwag kang kabahan. Tinuturuan kami dito na lahat tayo ay magkakapatid. At dapat nating alagaan ang iba tulad ng pag-aalaga natin sa ating sarili. At kung may problema ka sabihin mo lang sa sinuman at siya ay tutulong sa iyo".
Naisip ko na Subhanallah (glorified be Allah) ang gusali ng paaralang ito ay kamanghang-mangha.
Kasing tulad din ng mga estudyante dito ay kahanga-hanga din.
Ngunit ako ay apiktado sa pagiging mababa ang tingin ko sa aking sarili.
Hiyang-hiya ako.
Pagkatapos ng tunog ng kampana ng paaralan.
Ang bawat mag-aaral ay nagsipuntahan tungo sa gate.
At sinabi nila sa akin na sumama din sa kanila.
Sinabi ko sa kanila na "Punta na kayong lahat doon, pupunta akong mag-isa".
Noong nakaalis na sila tapos nagsimula akong lumakad sa gate nang dahan-dahan.
At sinabi na "Anong nangyayari sa akin?
Hindi sinabi sa akin ni Muhammad ﷺ na ang paaralang ito ay hindi pangkaraniwan.
At saka ang mga mag-aaral din nito.
At gayon din ang kanilang mga damit at kanilang mga bag, ano na ang dapat kong gawin ngayon?"
Ang bawat mag-aaral ng klase ay may suot na magagandang damit.
At tanging ako lang ang nagsusuot ng mga luma at gutay-gutay na damit.
Ang aking mga libro ay luma at bulok din.
At ang aking sapatos din ay plastik at sira.
Matapos ko itong sabihin, ipinikit ko ang aking mga mata at sabi ko na mas mabuti pang umuwi kaysa sa mapahiya, ngunit naramdaman ko na ang aking mga aklat ay nawala sa aking mga kamay, at nakakuha ako ng isang bag.
Binuksan ko ang aking mga mata at nagulat ako nang makita ko na ang aking mga suot ay nagbago.
At kasing tulad ito sa mga suot ng iba.
At nabago din ang aking mga sapatos.
At nagkaroon akong kahanga-hangang bag sa aking mga kamay.
Matapos makita ang lahat ng ito sinabi ko na "Paano ito nangyari? Ano ang nangyari nong pinikit ko ang aking mga mata? Na ang aking mga damit ay nagbago sa magagandang damit?"
Pagkatapos sinabi ng Allah sa langit "Qasim ito ay imposible na si Allah ay pababayaan ang isang tao na ang kaisipan ay anino ng Awa ni Muhammadﷺ. At si Allah ay mahabagin at ganap na nangingibabaw sa lahat".
Nang marinig ko ito, isang alon ng kakaibang kaligayahan na dumaloy sa aking katawan.
Tumakbo ako patungo sa gate na sumisigaw sa tuwa na "Si Allah ay ginawa ako tulad ng mga estudyante sa paaralan sa pamamagitan ng kanyang Awa."
At nang makarating ako sa gate, si Umar (radiallahuanhu) ay nakatayo dito.
Sinabi ko sa kanya(radiallahuanhu) "Salam".
Tumugon siya sa aking pagbati at sinabi na "Ako ay naghihintay sa iyo."
Sinabi ko kay Umar (radiallahuanhu) na "Nakatanggap din ako ng admisyon sa paaralang ito. At ito ang aking unang araw."
Sinabi ni Umar radiallahuanhu "Subhanallah, ang makakatanggap lang ng admisyon sa paaralang ito ay ang mga likas na espesyal sa Awa ng Allah. Ngayon, papasok tayo at pupurihin natin si Allah at pagkatapos ay pupunta tayo sa mga klase."
Sinabi ko kay Umar (radiallahuanhu) "Aalamin ko ang iskedyul at dadalhin mo ako sa aking unang klase".
At sinabi niya (radiallahuanhu) "lnshAllah".
At dito nagtapos ang panaginip.
Komentar