ANG KAPARUSAHAN NI ALLAH

Foto Muhammad Qasim's dreams English.
Sinabi ni Qasim:
Nakita ko ang panaginip na ito noong ika-5 ng Oktubre 2017.
Ako ay nasa isang lugar na napapalibutan ng mga tahanan at mga gusali.
Naramdaman ko na ang Allah ay mas malapit sa amin kaysa sa mga ulap.
Nadama ko na ang Allah ay nasa isang estado ng matinding galit.
May malakas at kasindak-sindak na tinig.
Sinimulan niya ang pagsasabi ng mga bagay tulad ng mga ayah (mga talata) ng kaparusahan mula sa Quran.
Naramdaman ko na ang Allah ay nagbigay ng ilang mga utos sa mga taong ito upang gawin ang isang bagay.
At ang mga taong ito ay hindi sumunod sa mga kautusan at wala din silang pakialam tungkol dito.
At si Allah ay nagsabi "Ako ay magpapadala ng parehong kaparusahan sa inyo. Tulad ng ipinadala ko sa mga nauna na hindi sumunod sa aking utos"
Binanggit ni Allah ang parusa sa mga tao ng propeta lut (alleyhisalam).
At sinabi na "Nakalimutan n'yo ba ang aking parusa?".
Oh! Ang Allah ay galit na galit, sabi ko sa sarili.
Nakita ko ang mga tao ay natataranta habang tumatakbo sa paligid at gustong magtago.
Ngunit kahit saan man sila magtago, si Allah ay nagsabi "Alam ko kung saan kayo nagtatago, hindi ninyo ako matataguan".
Tapos nasipagtakbuhan sila sa kabilang daan at sinabi ng Allah ang parehong salita.
Nang makita ko ito, tumakbo na din ako para magtago.
Hindi na ito maganda, sabi ko.
Kapag si Allah na ang galit, walang sinuman ang makakapigil sa kanya.
Mas mabuti pang lumayo at maghanap ng ligtas na lugar.
Nakita ko ang ilang tao na tumatakbo sa kasama ko.
Hindi ko sila tinanong kung bakit sila tumatakbo kasama ko.
Nakita ko ang isang lugar sa malayo at ito ay mukhang maganda.
Tapos ay Umupo ako sa sulok na sinandal ko ang aking likod sa dingding.
Ang mga taong kasama ko ay nakaupo din sa tabi ko.
Mukhang ito ay napaka mapayapang lugar.
Naririnig ko pa rin ang tinig ni Allah subalit medyo humina na.
Naisip ko na ang lugar na ito ay hindi dito ipapadala ni Allah ang kanyang kaparusahan.
Nakita ko ang mga matataas na tao ay paparating, natatanaw nila kami an nakaupo dito.
Sabi nila sa isa't isa, "Nakaupo lamang sila doon na mapayapa."
Ito ay nangangahulugan na si Allah ay hindi dito magpapadala ng kaparusahan.
Naghihintay pa rin ako at nag-alala na kailan matatapos ang galit ni Allah.
Kapag matapos na, ako ay magpasya na aalis rito.
Iniisip ko pag bumalik ako doon baka walang natitira.

Komentar