ANG MGA ITIM NA KABAYO

Foto Muhammad Qasim's dreams English.
Noong Agosto 13, nakita ko ang isang panaginip.
Sa panaginip na ito nakatira kami sa isang maliit na lugar na puno ng kadiliman.
Ang aming pinakaimporteng gusali ng Islam ay kinuha ng mga pwersang kontra-Islam.
At ipinadala ng Allah si Muhammad ﷺ sa amin sa pamamagitan ng Kanyang Awa.
Sa pagkakita namin kay Muhhamad ﷺ, lahat kami ay talagang natuwa na si Allah ay ipinadala niya ulit sa amin si Muhammad ﷺ.
At ngayon dumating na ang oras upang kami ay magkaisang muli.
At mabawi muli ang aming Islamikong gusali.
Sinabi sa akin ni Muhammad ﷺ na "Qasim, umalis ka at sabihin sa lahat ng mga lider ng muslim ang tungkol sa akin. 'Na si Muhammad ﷺ ay muling dumating sa atin. Upang palayain ang kanyang Islamikong gusali mula sa mga pwersang kontra-islam at muling itayo ito".
Sinabi ko kay Muhammad ﷺ na "Oo, pupunta ako ngayon at ihatid ang Iyong mensahe sa kanilang lahat ".
Sinabi sa akin ni Muhammad ﷺ na "maghihintay ako sa iyo".
Ngunit noong pumunta ako sa mga lider ng Muslim at binahagi ang mensahe ni Muhammad ﷺ, hindi sila sa akin naniwala.
Tapos sinabi ko sa kanila na "Mahal n'yo lang si Muhammad ﷺ sa inyong mga salita? Kahit sino ay pwedeng magsabi ng mga dakilang bagay sa pamamagitan ng kanyang dila. Dapat ninyong ipakita ang lahat ng iyong pagmamahal kay Muhammad ﷺ sa pamamagitan ng iyong mga aksyon at hindi lamang sa pamamagitan ng iyong mga salita. At si Muhammad ﷺ ay naghihintay para sa inyo".
Tapos sinabi nila sa akin "Qasim, huwag mong aksayahin ang aming oras at alam namin kung ano ang tama at kung ano ang mali. At kahit ano pa man ang aming ginagawa, ginagawa naman ito para sa paglilingkod sa Islam."
Tapos nagpasiya akong bumalik ngunit sa aking daang pabalik nakakita ako ng mga makapangyarehan at itim na kabayo.
Kaya dinala ko ang mga ito.
Sa aking pagbalik, sinabi ko ang buong kwento kay Muhammad ﷺ.
At sinabi ko sa kanya (Muhammad ﷺ) na mag-isa kong palayain ang gusali ng kanyang Islam.
Tapos sinabi ni Muhammad ﷺ "Hintay, anak. Sasama ako sa iyo".
Ang sabi ko "O sige, mayroon akong isang napakalakas na kabayo para sa Iyo Ya Rasulullah ﷺ. Ya Rasulullah ﷺ sumakay ka na nito."
Sinabihan ni Muhammad ﷺ sa ibang mga tao na maghintay sa amin dito.
Tapos nagpunta kami sa lugar kung saan nandoon ang aming mahalagang gusali.
Noon, nakatira kami sa gusaling ito.
Ang mga pwersang kontra-Islamiko ay inagaw ang gusaling ito.
At pinagpapatay nila ang mga muslim na nandodoon.
At sinira din nila ang Islam.
Ako at si Muhammad ﷺ ay nagsimulang nakipaglaban ngunit napakarami nila at malalakas.
Tapos nakita ko ang ilang pwersa ay nagpanggap na bilang mga pwersang muslim.
Pero hindi talaga sila mga muslim at nagdulot sila ng malaking pinsala sa Islam.
Tapos sinabi ko kay Muhammad ﷺ na "Ang mga pwersang ito ay masyadong marami
Umupo ka lang dito, magpahinga at luwalhatiin ang Allah ng mga papuri. Lalabanan kong mag-isa ang mga pwersang ito sa tulong ng Allah".
Sinimulan ko silang labanan kasama ang Noor (liwanag) ng Allah.
At si Muhammad ﷺ ay nanalangin kay Allah na tulungan ako.
Tapos nangyare ang lahat ng mga pwersa ay nawasak.
At nanatili lamang ang mga taong gusto ng kapayapaan.
Walang sinumang mapagkunwaring pwersa ang kayang tumayo sa liwanag ng Allah.
At Muli naming nabawi ang gusali ng Islam.
Ngunit ang gusali ay may maraming napinsala.
At sinabi ko kay Muhammad ﷺ na kailangan namin itong muling itayo.
Tuwang-tuwa si Muhammad ﷺ sa muling pagbawi sa gusali ng Islam.
Sinabi ni Muhammad ﷺ sa akin na "Qasim, manatili ka rito habang pupunta ako sa ibang mga Muslim".
At sinabi ni Muhammad ﷺ sa ibang mga Muslim "Nabawi na natin ang ating lugar at ang lahat ay dapat pumunta doon. Si Qasim ay naroon at gampanan ninyo ang iyong papel sa muling pagbangon ng Islam".

Komentar