ANG MGA TAO SA GUSALI

Foto Muhammad Qasim's dreams English.
Noong Pebrero 19, 2016 Nakita ni Muhammad Qasim ang isang panaginip.
Sa panaginip na ito kami ay nasa isang napakalaking gusali.
At ang mga taong namamalakad sa gusali.
Gumawa ng sistema na pinipigilan ang sinuman sa pagtakas.
Nababahala ako sa ganitong sistema at gusto kong makatakas.
Ngunit hindi ko mahanap ang isang daan para makalabas. Sa panaginip na iyon, sinabi sa akin ni Allah na may isang daan palabas, hanapin mo ito at tutulungan kita.
Agad akong naghanap at natagpuan ko ang ilang tao.
Sinabi ko sa kanila na sinabi ng Allah sa akin na may isang daan para makalabas sa sistema.
"Halika kayo at hanapin ito" ngunit sinabi nila na "Baliw ka na ba? Walang sinuman ang makakatakas sa gusaling ito kahit na nagawa nila wala tayong palatandaan kung paano. Kaya huwag mag-aksaya ng iyong oras at huwag aksayahin ang aming oras. Bakit hindi ka nalang maninirahan sa gusaling ito katulad ng iba".
Sinabi ko sa aking isip na ibig mong sabihin ay manirahan na parang alipin.
Ayaw kong tanggapin 'yon kaya ipagpatuloy ko ang aking paghahanap at nakatagpo ako ng ilang makapangyarihang tao.
Na may maraming tagasunod, sinabi ko sa kanila na may isang daan para makalabas dito.
Tumugon sila na nagsasabing "Dalhin siya sa isang doktor, ito ay isang baliw".
Dinala nila ako sa isang doktor.
At sinabi ng doktor sa kanila na "May depekto ang kanyang puso. At wala itong lunas".
Pagkatapos nito, ako ay nag-alala.
Na walang nakikinig sa akin.
At ang Allah ay hindi pa niya ako tinutulungan.
Nainis ako kaya ako'y umalis.
Dinaanan ko ang ilang bulwagan hanggang sa makarating ako sa isang lugar.
Na kung saan ay may liwanag ng Araw at ang liwanag na iyon ay nasisikatan ang isa o dalawang tao.
Tiningnan nila ako at ang isa sa kanila ay nagsabi "Tingnan mo kung gaano kaganda ang kanyang suwiter?"
Tiningnan ko ang aking suwiter at nagulat ako.
Iniisip ko kailan ko sinuot ang ganitong switer.
Ito ay talagang isang napakagandang at may kamangha-manghang kulay.
Hindi ko maintindihan kaya patuloy akong naglakad patungo sa pinagmulan ng sikat ng araw.
Sinabi ng isang tao kung siya ay totoo, siya ay mamahagi ng mga pagkain at pera.
Hindi ko sila pinansin at pumunta ako sa pinagmulan ng sikat ng araw.
Ito ay isang maliit na butas sa dingding.
Kung saan nanggaling ang sikat ng araw.
Masaya ako.
Ngunit naisip ko na ang butas na ito ay hindi malaki para sa akin upang makatakas.
Nilagay ko ang aking mga kamay dito upang makita kung maaari kong palakihin ang butas tapos napalawak ko ito ng kunti.
Kaya ipinasok ko ang aking mga kamay at ang aking ulo at nagawa kong makaakyat palabas.
Ang saya-saya ko na alam ko na dumating ang tulong ni Allah.
Nagpatuloy ako sa paglakad at nakita ko ang aking tahanan.
Sa aking bahay ay may maraming mga ibon sa loob ng mga kulungan.
At sila ay gutom at humuhuni ng malakas.
Inisip ko kung paano ko sila pakainin na wala akong maipakain sa kanila.
Nag-alala ako kaya kinumkom ko ang aking kamay at nadama ang mga butil ng pagkain.
Ibinuhos ko ang butil sa lagayan ng isa sa mga ibon hanggang sa napuno ito.
At ang aking mga kamay ay nanatiling puno pa rin ng mga butil at ako ay labis na namangha.
Iniisip kung saan nagmumula ang mga butil na ito.
Pagkatapos ay nagbigay ako ng kunti sa bawat ibon, natatakot ako sa mga butil sa aking kamay ay baka maubos.
Ngunit hindi ito nangyari at pagkatapos ay binigyan ko sila ng tubig na katulad din ng ganon at lahat sila ay kumakain.
Pagod na pagod ako matapos gawin ang ganitong bagay at nasabi ko kung paano naging mahirap ang trabahong ito.
Binuksan ko ang kanilang mga kulungan at sinabi sa kanila na lumabas sa umaga.
At hanapin ang kanilang kabuhayan at bumalik sa kanilang mga kulungan sa gabi.
At panatilihing malinis ang iyong mga kulungan.
Lahat sila ay sumang-ayon at sinabi nila "Susundin namin ang lahat ng inyong inuutos".
Namangha ako at napaisip kung anong uri ng mga ibon ito na nakakapagsalita sila sa akin.
Tapos ginawa ng mga ibon ng tama ang lahat ng aking sinabi.
At ang kanilang lahi ay mabilis dumami.
At nasabi ko na ibebenta ang mga ibon na ito sa mayayamang mga tao nasa gusali at makakuha ng yaman.
At kailangan kong gumawa ng iba pang bagay upang mamangha ang mga tao sa gusali.
Kailangan ko silang higitan upang tanggapin nila ang aking mga itatakda.
Naalala ko na kulang sila sa pagkukunan ng elektrisidad sa gusaling iyon.
Kaya gusto kong makaimbento ng bagong generator upang makalikha ng kuryente.
Tapos ang isang makapangyarihan at bagong generator ay lumitaw sa aking harapan sa pamamagitan ng Awa ni Allah.
Namangha ako na iniisip ko lang ito tapos si Allah ginawa itong totoo.
Tapos sinabi ko sa mga tao sa gusali na nakaimbento ako nang napakadali at bagong pormula na makalikha ng elektrisidad.
Tapos ang mga tao doon ay pinadala ang kanilang mga mahusay na mga inhinyero at namangha sila sa generator.
At nakiusap sila para sa pormula na gumawa pa ng isa na magkatulad.
Kailangan kong tamuhin ang kayamanan para pakawalan ang mga tao.
Kaya sinabi ko sa kanila "Akala n'yo ba na iibigay ko ito sa inyo ng lebre?"
Kaya nagtamo ako ng maraming kayamanan sa pagbebenta ng mga ibon at pormula.
Napalaya ko ang maraming mga tao mula sa gusali sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera sa mga nagmamay-ari.
Nagbibigay ako ng pera at pagkain sa mga tao.
At lugar din na tirahan.
At nagdadalawang isip ako kung ibibigay ko pa ang natitirang pagkain at pera sa kanilang lahat o hindi.
Alam ko na mapahiya ako kung mauubos ang pera.
At hindi ko mailigtas ang iba pa at magbigay sa kanila.
At sabi ni Allah galing sa langit. Na yong mga taong hindi nawalan ng pag-asa sa Awa ni Allah. At patuloy nagtitiyaga, ibibigay ni Allah sa kanila ang ganong gantimpala.
At ang kayamanan o biyaya ni Allah ay hindi mauubos sa pagbabahagi. Sa halip ito ay dumadami pa.
At si Allah ay nangunguna sa lahat ang kanyang ginagawa.
Ngunit karamihan sa mga tao ay walang alam

Komentar