
Sinabi ni Qasim na nakita ko ang panaginip na ito noong Hulyo 7, 2017.
Sa panaginip na ito ako ay nasa ilalim ng isang malaking gusali.
At may lumapit sa akin at sinabi sa akin na mas mabuti para sa akin na lumabas dito.
Dahil ang mga masasamang pwersa ay sasalakayin ang aming gusali.
Ngunit wala pa akong natapos na gawain kaya ako ay nanatili sa loob.
Alam ng mga masasamang pwersa nasa loob nito nananatili ang isang tao na makapagbagsak sa kanila.
Kaya plano nilang ganap na sirain ang gusali.
At pati na rin ang lahat ng naninirahan dito ay masawi.
Malakas ang pwersa ng pagsabog kaya maraming nasira.
Ngunit hindi ko naramdaman na napinsala ang gusaling ito.
Pagkalipas ng ilang sandali, umalis na ang masasamang pwersa sa akala na ganap na itong nawasak. Natapos ko na rin ang aking ginagawa.
Kaya lumabas ako upang malaman kung malawak ba ang napinsala sa gusali.
Nakita ko na ito ay lubhang napinsala at wala akong kamalay-malay tungkol dito.
Nagpasya akong hanapin ang mga masasamang pwersa sa pagsunod sa kanilang mga yapak.
Ako ay naglakad ng ilang distansya.
Tapos lumingon ako upang makita kung gaano na kalayo ang aking narating.
At para din malaman kung gaano pa ako kalayo sa mga masasamang pwersa.
Tapos tumingin ako sa malayo at nakita ko ang mga magkakatabing gusali.
Biglang nagkaroon ng malaking putok sa unang gusali.
At ang malakas na epekto ay lumikha ng mabigat na presyon sa hangin.
Ang isang mataas na presyon ng hangin ay nagwasak sa lahat ng dako.
Ang siyang dahilan kung bakit ako bumagsak sa lupa.
Tinakpan ko ang aking mga tainga bago pa dumating ang tunog na epekto nito.
Ngunit narinig ko pa rin ang napakalakas na tunog.
Naisip ko kung anong klaseng bomba ito.
Na gumawa ng ganitong lakas kahit nasa malayo ako.
Pagkatapos nito ay nagsimula ang isang malaking kaguluhan.
Biglang may ikalawang sabog sa sumunod na gusali.
At ang epekto ay mas malakas kaysa sa na una.
Nasabi ko sana may ang awa ang Allah.
Napatanong ako kung sino ang may pakana sa nakasisindak na pagsabog.
Maraming mga tao ang namatay at mga sigawan kahit saan.
Ang mga taong nakaligtas ay nagsisitakbuhan kahit saan.
Nang makita ko ang mga taong iyon nakilala ko sila mula sa aking mga panaginip.
Ito yong mga tao sa aking panaginip ay nanghingi sa akin ng tulong.
Tapos ipinadala ko sila sa isang ligtas na lugar na may bangka.
Ang pangatlong putok ay sumabog ng masmalakas kumpara sa na unang dalawang pagsabog.
Matindi ang lakas at nalaglag ako at napadapa sa lupa.
At ang aking mga tainga ay nabingi at hindi ako makarinig nang ilang sandali.
Nahirapan akong makabawi o gumaling, nang bumalik ang aking pandama ay tumingin ako sa paligid.
Nakita ko ang mga maraming patay na katawan kahit saan.
Ang epekto ay napakalakas na ang hangin ay pinadpad ang mga patay na katawan sa buong lugar. Maraming dugo sa lahat ng dako, at ang kaguluhan ay kumalat sa lahat ng direksyon.
At ang mga nakaligtas ay tumatakbo sa paligid na parang araw na ng paghuhukom ang dumating. Nasabi ko na "Hindi ko sila matulungan sa ganitong kalagayan."
Kaya mas mabuti pang umalis nalang dito bago may mas matindi pang mangyayari.
Tumakas ako doon.
At sa isang lugar inaatake ako ng isang mama at may dalang sanggot at siya ay napaka-propesyonal.
Nasabi ko na siya ay tiyak na kabilang sa masasamang pwersa.
Nagkaroon ako ng kunting sugat ngunit nadaig ko siya sa pamamagitan ng awa ni Allah.
Tapos nagpunta ako sa isang ligtas na mataas na lugar upang makita kung gaano kalawak ang nawasak.
Naisip ko na sino ang may gawa nito at paano namin sila malalabanan.
Nang tumingin ako, nakita ko ang pagkawasak ay higit pa sa aking imahinasyon.
At patuloy itong kumakalat.
Naisip ko na ang pagkawasak na ito ay maaari lamang ayusin sa awa at tulong ni Allah.
At ang panaginip natapos dito.
Komentar