
Ito ang panaginip ni Qasim sa buwan ng Pebrero, 2017.
Nakita ko na tayo ang huling henerasyon ng mga tao.
At ito ang aming pagkakataon upang magamit ang isang kotse upang marating ang aming patutunguhan.
Ngunit sa aming pagkabigo, natuklasan namin na ang nakaraang henerasyon ay minaltrato ang kotse.
Ang lahat ay ganap na kinalawang at halos masisira na.
Ang mga upuan ay tulad na ng basura at ang makina ay tuluyang wasak na.
Ang mga gulong ay putok na.
At higit sa lahat hindi na ito gumagana.
Tapos ako at ang ibang mga tao inumpisahan namin na ayusin ang kotse.
Sa aking mga panaginip noong Pebrero, inaayos namin ang maraming bahagi nito.
At ako at ang mga kasamahan ko ay nagdusa ng husto sa paggawa ng mahirap na trabaho.
Halimbawa, sa isang panaginip, tinanggal namin ang makina nang sama-sama at pinalitan ito.
Sa isa pang panaginip, pinalitan namin ang katawan ng kotse.
Sa isang panaginip, pinaandar namin ang makina habang ito ay sirang-sira pinapatuloy parin namin.
Noong malaman namin na wala palang preno ang kotse, pinahinto namin ito at maraming trabaho sa pag-aayos nito.
Noong Pebrero 11, 2017, nakita ko si Muhammad ﷺ na naglalakad sa paligid.
Parang siya ay sobrang pagod at nag-aalala, ito ay naghikayat sa amin na magtrabaho ng mas maigi at mas mabilis.
At sa wakas, ang kotse ay sapat na upang makapagmaneho ngunit ito ay napakabagal pa rin.
Nagpunta ako kay Muhammad ﷺ at sinabi na napagana na namin ang kotse ngunit hindi ito makalarga ng napakabilis.
Tapos si Muhammad ﷺ ay napuno ng totoong kaligayahan.
Nang lumapit siya, sinabi niya na ito ang aking lumang kotse at ngayon ay maaari nating sakyang muli.
Sa likod ng kotse ay ako si Muhammad ﷺ, isang babae at tatlong iba pang mga tao.
At sa harap ay isang batang driver.
At sinabi ko na tayo ay patungo sa ating destino sa awa ng Allah.
Komentar