ANG PLANO NG US SA INDIA UPANG KOTROLIN ANG PAKISTAN

Foto Muhammad Qasim's dreams English.
Sa panaginip na ito, narinig ko ang isang balita na ang USA ay gumawa ng ilang malaking anunsyo.
Akala ko na ito ay may kaugnayan sa Palestine.
At nasabi ko na ang pahayag na ito ay napakahalaga at dapat akong pumunta doon upang malaman.
Dahil ito ay maging napakahalaga para sa kaligtasan ng mga Muslim, sumakay ako sa isang makina na parang eroplano at nagpunta doon.
Ang pangulo ng USA ay nakaupo sa isang parang opisina na lugar.
At ang ibang mga tao ay nakaupo din doon.
Ako ay pumasok doon at walang nakapansin.
Tapos biglang tumayo ang Pangulo ng Estados Unidos.
At may isang papel sa kanyang kamay at sinabi niya "Hi India".
Naisip ko na bakit niya ito sinabi?
Pagkatapos, ipinakita ng Pangulo ng Estados Unidos ang papel sa lahat at ako ay nabigla ng makita ko ang papel.
May isang mapa ng Pakistan at India na may parehong kulay.
At pagkatapos sinabi ng Pangulo ng US na ngayon ang Pakistan ay kontrolado ng India.
At pinirmahan niya ang mapa at tumawa siya nang malakas.
At ipinakita niya ang mapa pagkatapos itong lagdaan.
At patuloy siyang tumatawa na ngayon ay kokontrolin na ng India ang Pakisan.
Nang makita ko ito, nagtaka ako at napahawak sa ulo at nasabing "Hindi maari".
Sa aking pagkaunawa na ang sinabi niya "Hail India" sa halip na "Hi India".
Hindi ako makapaniwala sa kanyang mga plano, at tumakbo akong paalis.
Sinabi ko sa mga tao ng Pakistan na ang presidente ng USA ay gumawa ng plano para sa Pakistan pagkatapos ng Palestine.
"Kumilos kayo at iligtas itong bansa".
Sinabi nila na "Qasim, ang ganong plano laban sa Pakistan ay ginawa na nila noon pa man pero wala ding nangyari, ang Pakistan nandito parin".
"At ang aming hukbo ay masyadong malakas at walang sinumang maglakas-loob upang hamunin ang Pakistan. At napabagsak na namin ang India nang maraming beses kahit noon pa man".
Sabi ko "Oo."
"Ngunit hindi dapat maliitin ang mga mapang-aping pwersa. At ngayon, ang India ay mayroon ng iba pang mga pwersa. Hindi ninyo ba natatandaan na iniisip ng mga Muslim ang parehong labanan sa Uhud. Una naisip nila sila ang manalo sa labanan at bigla nalang sila ay nahuli. Bumaliktad ang mga pangyayari at ang mga Muslim ay lubhang nagdusa at naubos. Hindi natin dapat silang maliitin kung nagpaplano sila, kailangan din nating magplano upang iligtas ang ating bansa."
Pagkatapos, nagpunta ako sa isa pang daan.
Sa daan, nakita ko ang mga ibon na lumilipad sa kalangitan.
Naisip ko na kung anong klaseng mga ibon na ito?
Nang tiningnan ko ng maigi, hindi pala mga ibon kundi mga eroplano ng mga pwersa na lumilipad nang napakataas.
Nag-alala ako habang tinitingnan ang mga di-kikilalang mga eroplano na lumilipad sa ibabaw ng Pakistan.
Pagkatapos, nagpunta ako sa isang malaking gusali at doon nakipagkita sa mga tao.
Sinabi ko sa kanila at sinabi ko rin na "Ang hukbo ng Pakistan na ang bahala nito. Huwag mag-alala". Tanong nila "Gaano kalaki ang magagawa ng hukbo ng Pakistan? Maaasahan ba sila sa lahat ng bagay?".
Kayong mga tao ay hindi mananagot sa anumang bagay.
Sinabi ko na ginagawa ng hukbo ang lahat ng kanilang makakaya.
Ngunit dahil sa kakulangan ng mga pondo, hindi nila kayang ipagtanggol ang bawat lugar kaya maraming mga lugar na malulusob.
At ang Pakistan ay naubusan din ng pundo.
Ang hukbo ay hindi makakasalakay kung walang mga pondo.
Pagkatapos ay umalis ako doon at umuwi sa bahay na nag-iisip na ang mga taong ito ay natutulog o walang kaalam-alam.
Paano ba mapipigilan ang kanilang mga plano upang hindi mabuo?
Dito nagtapos ang panaginip

Komentar