ANG TAGAPAMAHAGI

Foto Muhammad Qasim's dreams English.
Ito ay isa sa maikli na panaginip ni Muhammad Qasim.
Nakita ko kung paano ako namamahagi ng pagkain sa mga tao.
Natapos ko ang pamamahagi ng pagkain sa lahat at mayroon na silang sapat na pagkain upang mapunan ang kanilang mga sarili.
Noong tiningnan ko kung may natira pang pagkain, napakarami pa ang natitira.
Tapos si Muhammad ﷺ ay nagsabi na "Qasim, mamahagi ka pa ng maraming pagkain."
Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang lahat ay nasisiyahan at busog na.
Pagkatapos namamahagi ulit ako ng marami pang pagkain at ang mga tao ay tumingin sa akin na gulat.
Sinabi nila sa akin "Qasim, kami ay kontento na at ang aming mga tiyan ay puno na."
Nagpatuloy parin ako sa pamamahagi at nakita ko may natitira pa.
Tapos naisip ko kung kailangan ko bang magreserba para sa sarili ko o hindi.
Tapos nakaisip ako ng isang bagay na nagpasama ng loob ko.
Naisip ko kung paano kaya si Muhammad ﷺ ay magpakita sa mga panaginip ng ibang tao?
At sabihin sa kanya "Lumakad ka at sabihin mo kay Qasim na sinabi ni Muhammad ﷺ na mamahagi pa ng marami pagkain."
Ayaw ko na darating ang panahon na si Muhammad ﷺ ay magpapadala ng mensahe sa iba upang kumbinsihin ako.
Tiyak na ito ay magpapasama ng loob ko kaya patuloy pa rin akong nagbibigay ng marami pagkain hanggang sa huli ang mga tao na ang tumanggi.
Ang panaginip ay dito nagtatapos.

Komentar