
Marso 24, 2017, nakita ni Muhammad Qasim ang isang panaginip.
Naglakbay ako sa isang lungsod, upang hanapin ang bahay ni Muhammad ﷺ.
Sa lahat ng dako ay kadiliman.
Ang mga Muslim ay may maliliit na sirang mga bahay na halos walang liwanag.
At ang kunting liwanag na iyon ay nagmumula sa malalaking gusali ng mga di-Muslim.
Naglakbay ako sa malayo hanggang nakita ko ng isang lugar na napakalayo.
Maliban sa wala akong masasakyan upang makarating doon. Kaya mas mahusay na dito ako maghanap.
Tapos ay nakita ko ang ilang mga tao na nakilala ako.
At tinanong nila ako "Qasim, saan ka pupunta?"
Sinabi ko sa kanila na "Sinusubukan kong makarating sa isang lugar kung saan makukuha natin ang lahat. At doon ay wala ng kadiliman. At ang lugar na iyon ay ang nawawalang tahanan ni Muhammad ﷺ."
Tinanong nila ako "Mahahanap ba natin iyon?"
Sinabi ko sa kanila "Oo, sa pamagitan ng aking mga panaginip, nakita ko ito."
Tapos nagsimula silang sumama sa akin at tinanong ko sila "Bakit kayo sasama sa akin?"
Sinabi nila sa akin "Naniniwala kami sa iyo at gusto rin naming makatakas sa kadiliman na ito."
Tapos sinabi ko sa kanila na "Ito ay napakahirap para sa inyo at mapapagod kayo, at iiwanan nyo din ako."
Sinabi nila "Hindi kami mapapagod, at hindi ka namin iiwanan".
Sinabi ko "O sige, pero kung mapagod kayo, huwag nyo akong sisihin."
Tapos naglakbay kami ng ilang distansya at unti-unti na kaming nawalan ng pag-asa.
Ang isang tao ay tinuro ang isang lugar at sinabi na dapat tayong pumunta doon.
Nagsimula kaming maglakad doon hanggang narating namin ang dulo ng lungsod.
Ang mga ilaw sa mga gusali ay nawala at kami ay nasa dilim.
Ang kahit anong mapanganib na hayop ay maaari kaming aatakehin kaya sinabi ko na "Bumalik na lang tayo".
Tumingin ako sa lungsod at nakita ko ang isang matingkad na magandang liwanag mula dito.
At naisip ko na mahirap hanapin ang bahay ni Muhammad ﷺ na walang masasakyang
makina.
makina.
Sa aming pagbabalik nakita namin ang isang mahiwagang tagabantay.
Sinabi ko sa kanya kung paano ko siya nakita noon at tinanong ko siya kung ano ang kanyang ginagawa dito.
Hindi siya tumugon kaya sinabi ko bahala na basta may kasama kami dito.
Bigla akong nakakita ng isang matalim na liwanag mula sa kung saan ang tagabantay.
Lumiko kami sa isa o dalawang bloke hanggang sa nakarating kami sa isang park.
Ang park ay puno ng mga kahanga-hangang at magagandang ilaw.
Ang lahat ng mga ilaw ay nagmumula sa isang maliit na bahay sa gitna ng park.
Sa pinto ay nakasulat na Bahay ni Ibraheem (alleyhisalam).
Natuwa ako na kahit papaanu natagpuan namin ang tahanan ng propetang Ibraheem (alleyhisalam).
Nang binuksan ko ang pinto, isang kamangha-manghang liwanag ang lumabas mula sa loob.
May maliit na silid ngunit sapat lamang para sa amin na umupo.
Nasabi ko na ang bahay ni Muhammad ﷺ ay mas malaki kaysa dito.
At kailangan naming hanapin 'yon.
Sinabi ng isang babae kahit na si Ibraheem (alleyhisalam) ay isang kaibigan ng Allah.
Sinabi ko "Oo, ito ay totoo, ngunit kinakailangang makaalis dito sa kadiliman".
Tapos sa isang maliit na silid, natagpuan ko ang isang control room at sa harap nito ay isang bintana.
Napagtanto ko na ang bahay na ito ay maaaring makakalipad.
Sinabi ko sa iba kung paano namin magagamit ito upang mahanap ang bahay ni Muhammad ﷺ.
Tapos pinalipad ko ang bahay ng mataas sa himpapawid.
At nagpunta kami patungo sa direksyon na malayo sa Lungsod.
At sinabi ko sa aking sarili InshAllah sa tulong ng Allah. Makakarating na kami doon.
Lumipad kami ng ilang distansya at dito nagwakas ang aking panaginip.
Komentar