
Bismillah a-rahman a-rahim
As-salaam alaikum
Nakita ko ang isang panaginip tungkol sa Dajjal.
At ibabahagi ko ang panaginip na ito sa dalawang bahagi.
Ito ang unang bahagi.
Nakita ko nang maraming beses si Dajjal sa aking mga panaginip.
Ang taas ni Dajjal ay 6ft at 1 o 2inches.
Medyo kulot ang buhok, medyo may pagkaitim ang kulay ng balat.
Ang mukha ni Dajjal ay malupit.
At kapag lumalakad siya, parang walang sinuman ang makakatayo sa kanya.
Parang katulad din siya sa isang normal na tao para sa akin ngunit mayroon siyang maraming mga mahiwagang kapangyarihan.
Sa isang panaginip si Satanas ay tinawag siya bilang kanyang Rich Warlord.
Kapag pupunuin na ni Allah ang buong mundo ng kanyang nur(liwanag) sa pamamagitan ng kanyang byaya pagkatapos nito ay mapupuno ito ng kapayapaan sa isang sandali lamang.
At pagkaraan ng ilang taon, si Dajjal ay biglang lilitaw.
Pagdumating na si Dajjal ang mga tao ay mababalisa.
Si Dajjal ay magpapanggap na siya ang panginoon at mayroon din siyang mga kapangyarihan upang suportahan ang kanyang panlilinlang.
Aakitin niya ang mga tao sa pamamagitan ng mga maling pangako na magkaroon ng habang buhay na kabataan at walang kamatayan.
At ang mga taong may mahinang pananampalataya ay susunod sa kanya nang napakabilis.
Pumunta ako upang pigilan siya at ang sabi niya na "Qasim, umanib ka sa akin. Bibigyan kita ng habang buhay na kabataan at walang kamatayan."
Kaya tinanong ko si Dajjal na "Ano ang mangyayari sa pamamagitan n'yan?
Balang araw lahat tayo ay mamamatay.
At hindi ka magtatagumpay sa iyong layunin.
At mamamatay ka din balang araw.
Ang panginoon ko at panginoon mo ay nag-iisa, ang Allah.
Ang Panginoon ng buong mundo."
Nang marinig ito ni Dajjal, siya ay nagalit.
At nagbago ang kanyang hitsura sa isang nakakakilabot.
At ang aking katawan ay nangatog. At hindi ako makaipon ng lakas ng loob upang makapagsalita ng kahit ano.
Sabi sa akin ni Dajjal "Qasim kung hindi ka sasanib sa akin ay papatayin kita. Kaya umuwi ka at mag-isip ng mabuti kung aling landas ang gusto mong pipiliin".
Pagkatapos ay umuwi ako sa tahanan ng mga Muslim at sinabi na kung sinuman ang pupunta kay Dajjal, 99.9% na pagkakataon na siya ay sasama sa kanya.
Si Dajjal ay isang napakalaking pagsubok at ang tanging makaligtas lang sa ganitong pagsubok ay ang mga taong nasa espesyal na Awa ni Allah.
"Ow. mga muslim sa halip na sumali kay Dajjal mas mabuting tayo ay mamamatay bilang mga Muslim.
Halika kayo hayaang tayo ay mamamatay sa landas ni Allah habang nakikipaglaban sa Dajjal."
Sumang-ayon ang lahat ng mga Muslim.
At nakikipagdigmaan kami laban kay Dajjal.
Ang mga Muslim Army ay nakipaglaban sa mga army ni Dajjal.
At nakipaglaban ako kay Dajjal at kinuha ko ang kanyang pansin. Upang hindi niya magamitan ng kanyang kapangyarihan ang mga Muslim Army.
At upang ang mga Muslim Army ay hangga't maaari makapaghatid ng mas maraming pinsala sa mga army ni Dajjal.
Ang liwanag(Nur) ni Allah ay lumitaw sa aking kanang hintuturo at patuloy ako nakipaglaban kay Dajjal ng matagal kasama ang Nur ng Allah.
Pero si Dajjal ay sadyang napakalakas at habang nakikipaglaban sa kanya biglang nawala ang Nur ng Allah sa aking hintuturo.
At sinabi ko na lumayo ako dito.
At si Dajjal ay sumunod sa akin at sinabi "Qasim, hindi kita hahayaang mabuhay ngayon".
At nagsimula akong tumakbo sa hangin sa awa ng Allah.
At patuloy akong tumatakbo hanggang makarating ako sa isang bundok at si Dajjal ay nasundan niya ako doon.
Inatake niya ako sa likod at ako ay nahulog at nasugatan.
Ang isang malaking bato na nakalagay doon ay bumukas at ang sabi "Qasim itago mo ang iyong sarili sa loob ko ililigtas kita mula kay Dajjal."
Ngunit tumanggi ako.
At lumapit sa akin si Dajjal at sinabi "Qasim, maghanda para mamatay!"
Papatayin niya ako ngunit sa oras na iyon ay tumawag ako kay Allah "Ya Allah tulungan mo ako!"
Tapos ang salitang Allah ay nakasulat na bumaba mula sa kalangitan.
At pagkatapos naghagis si Allah ng kidlat sa isang bundok na malapit.
At isang nakapangingilabot na tunog ang nangyari at ang bundok ay nadurog matapos nitong umitim.
At si Dajjal ay nahilo at nahulog.
Tapos pinagaling ni Allah ang aking mga sugat at sabi na "Si Dajjal ay nahihilo lamang sa loob ng 4 na oras. At magigising din siya pagkatapos ng 4 na oras. Tumakas ka dito at magtago ka sa isang lugar. At hangga't hindi pa ako nag-uutos, huwag kang pumunta sa harap ni Dajjal".
Pinasalamatan ko si Allah na iniligtas niya ako at pagkatapos ay tumakas ako doon.
Nang magising si Dajjal akala niya na ako ay kanyang napatay.
At ang Dajjal ay bumalik sa mga Muslim at sinabi sa kanila na napatay niya ako.
Nanghina ang mga Muslim nang marinig ito.
At ipinagpatuloy ni Dajjal ang kanyang Mission nang walang anumang sagabal.
Upang magpatuloy. Para sa iba pang mga panaginip bisitahin ang pahina ng fb at youtube channel.
Komentar