GOLD GEARS

Foto Muhammad Qasim's dreams English.Pebrero 9, 2018
Sa panaginip na ito, dumadaan ako sa isang lugar.
Sa aking daan, tinitingnan ko ang lupa na may ilang mga damo na lumago dito.
Naramdaman ko na sa lupaing ito, ginto, hiyas at iba pang mahalagang mga metal ay nandito.
Kapag hinukay ko ang lupa, may nakikita akong bato na parang bagay.
Kapag tinatanggal ko ang dumi, ito ay ginto.
Nagagalak ako at patuloy na naghuhukay sa lupa at nakahanap ng ginto, hiyas at iba pang mahahalagang metal.
Ang saya ko at nasabi ko gagawin ko ang isang makina tulad ng nakita ko sa aking mga panaginip sa tulong ng Allah (ﷻ).
Inilagay ko ang lahat sa isang bag at kinuha ito at lumakad ako.
Tapos, nagsimula akong maghanap ng isang lugar kung saan maaari kong matunaw ang ginto at iba pang mga metal at gagawin ang makina.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakita ko ang isang gusali sa aking kanan.
Sinabi ko "Pwede akong makakita ng ilang mga hurno ng bakal doon. Upang masimulan ang paggawa ng makina ".
Noong pumasok ako sa gusali, naramdaman ko na ito ay kontrolado ng ilang pwersang sataniko.
Natakot ako sa naisip ko.
At nasabi ko "Kung may makakakita sa akin, mahuhuli nila ako".
Ngunit kailangan kong pumasok sa gusali at wala ng ibang pagpipilian.
Nasabi ko "Nang lumipat si Hazrat Muhammad ﷺ mula sa Mecca.
Ang mga di-mananampalataya ay kinubkob ang lugar.
Ngunit binanggit niya ang ilang talata mula sa Quran.
Upang hindi siya makita ng di mananampalataya.
Kung ganon, dapat ko din gawin ang ganong bagay ".
Sinikap kong tandaan ngunit hindi ko maalala ang mga salita, na binanggit ni Muhammad ﷺ (36: 9)
Ang liwanag sa gusali ay napakababa.
Dahil sa ilang talampakan lang ang baba na makikita,
Binabanggit ko ang pangalan ni Allah ﷻ.
At nagsimula ng sumulong habang binabanggit ang Surah-e-Ikhlas.
Ang mga pwersa ng sataniko ay hindi ako nakita.
Sa gusali ay naglalakad ako sa isang tuwid na landas.
Kung saan ako ay naglakad ng napakahaba at may dalang mabibigat.
Napagod ako ngunit hindi ako sumuko patuloy parin ako sa aking lakad.
Ito ay isang malaking gusali, na napakalalim ang loob.
Patuloy pa rin ang aking takot sa akala na may presensya ng pwersa ng sataniko .
Nang makarating ako sa dulo, naramdaman ko na wala akong maabotan ng mga pwersa ng sataniko.
Masyado akong pagod tapos tiningnan ko ang isang lugar sa aking kaliwa.
Nang pumunta ako doon, nakita ko ang isang pugon na bakal, ilang mga template at isang mesang bakal.
Dahil nandoon lahat ang mga materyales na kailangan ko.
Nasabi ko "Oo! Ito ang aking hinahanap".
Inilagay ko ang aking mga bagay doon at nagpahinga tapos tinitingnan ang pugon na bakal.
Naharap ako sa maraming mahirap gawin dahil sa dilim.
Kapag tinitingnan ko ang pugon ng bakal, nakikita ko na ang apoy ay hindi liliyab sa loob nito.
Parang ang pugon ay hindi nagamit sa napakaraming taon.
At ito ay mayroon pang mga uling.
Bigla ko na lang napagtanto na walang ano mang bagay dito na masindahan ang mga uling.
Nasabi ko "Kung alam ko pa lang ito, dapat nakadala ako ng posporo".
Pagod na pagod ako at nasabi ko na mahirap ang trabahong ito. Akala ko madali lang ito.
Naghanap ako ng isang bagay upang makasindi sa dilim.
Sa wakas, nakahanap ako ng ilang langis at mga bato.
Ibinuhos ko ang langis sa mga uling at sinimulang kuskusin ang mga bato upang kahit papaano ay makapagsindi ngunit wala pa rin.
Ang aking mga kamay ay napapagod na dahil sa pamumulot at pagdadala ng mabibigat. Dahil dito nalaglag ang bato nasa kaliwa kong kamay.
Nainis ako at nasabi na hindi ko talaga magagawa ang gawaing ito.
Ako ay sobrang pagod na at marami pang dapat gawin.
Sa ngayon, hindi ako makasindi at kahit na magagawa ko’to, ang pagtutunaw ng ginto at mga bakal at gawin ang makina ay napakahirap.
Sa aking pagkadismaya, itinapon ko ang pangalawang bato sa mga uling.
Ito ay nadali sa unang bato at sanhi nang pagliyab at sumindi sa uling.
Ngunit nasabi ko pa rin na “Ayaw ko nang gawin ang trabahong ito. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko.”
Sa aking pagkadesperasyon, lumingon ako sa aking dinaanan.
At nasabi ko na “Sana hindi ko nasimulan ang trabahong ito, Ngayon paano na ako makabalik sa napakahabang daan na mapanganib din”.
Tumingin ako sa kabilang panig nasabi ko na "Dapat akong lumakad at suriin. Baka mayroon pang ibang daanan upang makalabas dito".
Ilang hakbang, narinig ko ang mga yapak ng mga taong naglalakad patungo sa akin.
Lumingon ako sa aking kanan, nakita ko ang mga tao.
Tumigil ako at tiningnan sila nasabi ko "Sino ang mga taong ito?"
Nang tiningnan ko ng mabuti, sila ay nakasuot ng itim na damit at may turban sa kanilang mga ulo.
Tumigil sila malapit sa pugon na bakal at kinuha ang ginto at mga hiyas mula sa bag at itinabi.
Tapos pinalaki nila ang apoy sa pugon at nagsimula ng magtunaw ng ginto.
Nagtaka ako "Ano ang ginagawa nila, mga bagay ko ‘yon".
Ngunit nasabi ko “Pakialam ko, Hindi ko naman gagawin ang gawaing iyan ".
Hindi ko masyadong nakita dahil sa dilim. Na yong mga tao ay may ginawang bagay mula sa tinunaw na ginto.
Ang isang lalaki ay naglagay sa mesa nang dalawang bagay na yare sa ginto at nagsimula na namang kumilos .
Ang gintong iyon ay nagniningning sa dilim.
Nasabi ko "Ano ang ginawa ng mga taong ito?"
Nang lumapit ako, nakita ko ang dalawang gintong gears na may mga hiyas na nakaukit sa ibabaw.
Nang makita ko, nagulat ako at natuwa at nasabi “ Ito yong eksatong gears na gusto kong gawin ".
Nang sinuri ko nang maigi, nakita ko na maganda kaya lang may dapat pang aayusin.
Naisip ko na dapat kong sabihin sa mga taong ito upang mapabuti ang paggawa ng mga gears.
Ngunit tumigil ako at nasabi "Anuman ang nagawa dito sa dilim ay sapat na. Hindi ko dapat sila ay gambalain dahil kay Allah nagawa ang aking trabaho ng madali. Kapag nagawa na nila ang lahat ng mga bahagi nito, gagawin ko na ang makina. "
Habang tinitingnan ko ang mga gears, nakarinig ako ng mga yapak ng isang tao.
Limingon ako upang tingnan at nakita ko si Muhammad (ﷺ) ay papunta sa akin.
Masaya ako nang makita siya.
Sa estilo ng kanyang paglalakad naramdaman ko na wala siyang lakas at nalungkot ako.
Binati ko siya at binati din niya ako.
Sabi ko “Tingnan nyo!”
"Ang mga taong ito ay ginawa ang mga gears na nagpapakapagod sa hirap".
"Kung paano sila nagniningning at ang mga hiyas sa kanila ay nagniningning din."
Napakasaya ni Muhammad(saw) na tinitingnan sila at sinabi : "Ang mga taong ito ay nagtatrabaho nang napakahirap at gumagawa ng mabuting gawa. Ang Allah ﷻ ay magbibigay sa kanila ng malaking gantimpala. "
Tapos sinabi ko "Puwede mo bang hawakan ‘to at suriin ang kalidad?".
Sinabi ni Muhammad ﷺ "lubhang mahina na ako at ang mga kalamnan ng aking kanang bisig ay mahina na rin. Ang mga gears na ito ay masyadong mabigat at hindi ko kayang buhatin".
Sinabi ko "Huwag kang mag-alala, sa lalong madaling panahon kapag nagawa na ang lahat ng mga bahagi, gagawa ako ng isang makina at may kakayahang maayos ang iyong braso".
"Ang iyong braso ay magiging normal muli at makakakuha ka din ng lakas sa iyong katawan".
"At makakakilos ka tulad ng pagkilos mo noon".
Nang marinig ito ni Muhammad(saw), natuwa siya at nasabi "Qasim, nawa'y bigyan ka ng Allah ng higit pang kaalaman".
Dito nagtapos ang panaginip.

Komentar