HIMALANG LUNGSOD

Foto Muhammad Qasim's dreams English.
Noong Pebrero 10, 2014 nakita ni Qasim ang kanyang sarili sa pagkumpleto ng isang napakahaba at nakakapagod na paglalakbay.
Narating ko ang isang lugar kung saan nakita ko ang mga matataas na gusali.
Umakyat ako sa bubong at nasabi ko sa aking sarili na ito ang gusali na kung saan ako tumatakbo sa dulo at pagkatapos ako ay tatakbo sa hangin sa awa ng Allah.
Tumingin ako sa paligid upang makita ko kung ang
lahat ba ay maaliwalas.
Ngunit noong tumingin ako sa langit, nakita ko ang ilan sa mga pwersa ay naglatag ng lambat upang pigilan ang bawat isa na makalipad.
Ito ay talagang nanghinaan ako ng loob. Naisip ko na kung ano na ang dapat kong gawin.
Kung tatakbo ako sa dulo nitong gusali, hindi din ako makakalipad.
Maaaring babagsak ako dahil sa lambat nasa itaas.
Sabi ko sa aking sarili na "Hindi Qasim", sinabihan ako ni Allah ay poprotektahan niya ako.
At hindi niya ako pababayaan.
Wala akong ibang mapagpilian kundi ang lumukso at ipaubaya ko na lang ang lahat ng tiwala ko kay Allah.
Kung hindi, hindi ako magtatagumpay.
Kaya inilagay ko ang lahat ng aking tiwala kay Allah.
At nagsimula akong tumakbo patungo sa dulo at pagkatapos ay lumukso.
At nagsimula akong lumipad paitaas.
At si Allah ay pinunit ang lambat sa pamamagitan ng Kanyang Awa.
Nagawa kong makatakas mula sa kanila ng napakadali.
Nakita ko ang mga tao sa ibaba na parang abala sa kanilang mga trabaho.
Subalit may ilang mga tao ang nakakita sa akin at sinabi "Tingnan n'yo! Si Qasim lumilipad sa hangin."
Ang ilang mga tao ay nagsabi na "Kung saan man siya pumaroon.
Iyon ang lugar na may awa at pagpapala ng Allah".
Pagkatapos ay sabi ng isa "Hali kayo! sundan natin s'ya".
Ang mga taong ito ay iniwan ang kanilang magagandang tahanan at trabaho.
At nagsimulang tumakbo sa parehong direksyon na pupuntahan ko.
Lumipad ako sa malayo at tapos narating ko ang isang lugar kung saan ay may isang magandang lungsod.
Ito ay sobrang maunlad at mahusay ang pagka-disenyo.
At may magagandang arkitektura na hindi ko pa nakita noon.
May mga magagandang gusali at mga tahanan at kahit na ang mga kalye ay kamangha-mangha.
Ang lungsod ay pinagdekorasyonan ng mga kahanga-hangang kulay.
At kahit na ang mga gusali ay napakalinis.
Walang mga salita na maaaring makapaliwanag sa kagandahan ng Lungsod.
At walang isipan na kaya itong imahenasyonin.
Pakiramdam ko ang lungsod na ito ay parang isang himala.
Inisip ko kung sino itong mga tao na si Allah ay pinagawa ang ganitong lungsod.
At kung gaano sila katalino.
Sa puntong ito, si Allah ay nagsabi galing sa langit "Qasim ang lungsod na ito ay ginawa mo at ng mga kasama mo. Sa pamamagitan ng aking Awa at Tulong at ang panaginip ay
nagtapos dito."

Komentar