HULING KASTILYO NG ISLAM

Foto Muhammad Qasim's dreams English.
Bismillah i-rahman i-rahim
Salaam 'alaikum
Nakita ko ang digmaang ito nang maraming beses sa aking tunay na mga panaginip. Ang digmaan na ito ay ipinataw sa Pakistan at ipinagtanggol namin ang aming bansa at Islam. Ito ay isang malaki at matinding digmaan laban sa Islam sa mundo. Ito ay digmaan na hindi lamang ang kaligtasan ng Pakistan ngunit kaligtasan din ng Islam. Dahil bago pa ang Digmaang ito, dalawang makapangyarihang kastilyo ng Islam ang Turkey at Saudi Arabia ay nawasak. At dahil ang Pakistan ang huling kastilyo ng Islam, mahalaga na ipagtanggol ang Pakistan upang mailigtas ang Islam. Bago ang digmaan na ito ay ipinahayag ni Allah sa aking panaginip na ibalita ang aking mga panaginip sa pinuno ng Army ng Pakistan. At si Propeta Muhammad ﷺ ay nagbigay rin sa kanya ng patotoo sa aking mga panaginip. Na si "Qasim ay hindi nagsinungaling sa sinuman tungkol sa kanyang mga panaginip. At ang kanyang mga panaginip ay totoo at lahat ay nagmula kay Allah.
Ang Army at ang mga tao sa Pakistan ay gumawa ng mga maagresibong hakbang upang iligtas ang Islam at Pakistan.
At ang mga taong talagang nagmamahal sa Pakistan ay nagsimulang itong gampanan. At tinanggalan namin ang Pakistan sa lahat ng klase ng kawalang paniniwala. At ang ganong sistema, ang hustisya ay nabuo. At ang buong mundo ay nagulat na ang ganong sistema ng pamahalaan ay nabuo. Nagsimula ang pag-unlad ng Pakistan at nagsimula ring maghanda para sa digmaan. Ngunit ang pagkawasak ay nagsimulang mangyari sa Turkey at Middle East. At ang mga bagong grupo ng terorista ay nabuo sa Gitnang Silangan.
Nang magsimulang umunlad ang Pakistan, sinubukan ng India na salakayin ito. Ngunit tinulungan ni Allah ang Pakistan na may makapangyarihang itim na mandirigmang jetfighters. Kaya ang India ay hindi tumuloy sa pagsalakay sa Pakistan pagkatapos nila itong makita.
Ngunit sa kabilang panig ng India at ang mga kaalyado nito at mga teroristang grupo ay naghahanda pa rin para sa digmaan sa pakistan.
Sinalakay din namin ang Kashmir at pinalaya ito upang maging mas malakas ang aming depensa. At ang Indis ay walang lakas loob na umatake sa amin dahil sa mga itim na jet fighters. Matapos makita ang mga itim na Jetfighters maraming mga Muslim mula sa ibat-ibang panig ng mundo ang dumating sa Pakistan. At sinimulan ang kanilang papel upang muling itayo ang Islam.
Tinulungan kami ng Allah mula sa bagay na hindi nakikita at ginawa niya kaming napakahusay. Sa pamamagitan ng kanyang awa, ginagawa namin ang aming sariling teknolohiyang pang eroplano at kami ay kontento na sa sarili.
Tumawag si Propeta Muhammad(SAW) sa Medina sa pamamagitan ng panaginip. Nang pumunta ako sa Mecca at Medina, nakita ko ang mga inabanduna, ligaw, pagkabagabag at kadiliman sa mga tao. At sinabi ko sa kanila na magtiis lang ng kunti sa tulong ng Allah maayos din ang lahat.
Nang bumalik ako inaatake na ng mga kaaway ang Pakistan. At handa din kami sa pag-atake.
Ayon sa aking tunay na panaginip ang Propeta Muhammad ﷺ ay palihim(hindi nakikita) na sumasali at siya ang utak ng pamumuno.
Tapos ay nagsimula na ang matinding digmaan. At akala ng mga kalaban ay siguradong magagapi nila ang Pakistan. Ngunit ang plano ni Allah ay kakaiba. At ang Allah ang tumulong sa Pakistan para sa Digmaan.
Ang mga Muslim ay hindi nakapatay ng mga bata o mga matatanda o walang kalaban-laban na mga kalalakihan na nagnanais na gumawa din ng kapayapaan.
Hindi ko alam kung kailan magtatagal ang digmaang ito ngunit ang Pakistan ay ang mananalo sa huli sa tulong ni Allah.
Matapos ang digmaang ito nalaman ko na sa digmaan na ito 80 currupted na mga tao ay namatay. Nalungkot ako at sinabi ko na kung bakit ang digmaan na ito ay ipinataw sa amin. Tapos, nasabi ko na ipinagtanggol lamang namin ang aming mga sarili at ang aming mga kaaway ay nais nilang magpakamatay.
Tinulungan namin ang lahat ng babae, mga bata, mga matatanda at tinanggap sila bilang pamilya at pumasok din sila sa Islam.
Yamang napanalunan namin ang digmaan na ito sa tulong ni Allah at ang mga kaaway ay natalo. At ang mga Muslim mula sa Silangan ay nagsilabasan sa tulong ni Allah. Sa mundo, nabawi nila ang kanilang mga teritoryo. At walang sinuman ang makapigil sa amin at lahat ng anyo ng terorismo at pang-aapi ay buwagin.
Pinalaganap namin ang tunay na Islam sa buong mundo sa tulong ng Allah. At ang buong mundo ay napuno ng kapayapaan. Ang Islam ay lumaganap sa mundo muli. At alam ng lahat na ang tunay na Islam ni Muhammad ﷺ ay puno ng Kapayapaan at nagkaroon ng Awa at Biyaya mula kay Allah sa lahat ng dako.
At maraming biyaya kahit saan at wala nang mananatiling malungkot o mahirap.
At higit sa lahat ang Allah ay masaya para sa amin at pagkatapos ng ilang taon ay lumilitaw si Dajjal.
Marami akong masasabi tungkol kay Dajjal sa mga paparating na kwento.
Pakiusap huwag mag-alanganin sa pagbahagi sa buong mundo ang tungkol sa mga totoo at banal na panaginip.
Ang mga ito ay may kaugnay sa pandaigdigang pagpapaunlad ng sangkatauhan ng Muslim.
Salaam-alaikum. Jazakallah (maaaring gantimpalaan kayo ni Allah)

Komentar