KAMANGHANG-MANGHANG PAGPIPINTA NI ALLAH

Foto Muhammad Qasim's dreams English.
Ang panaginip ni Qasim noong Disyembre 2015.
Nakita ko ang isang malaking silid na may heganting pisara para sa pagpinpinta na nasa dingding.
At doon kung saan maraming iba't ibang magkapares na mga pintura at mga bras.
At nakita ko ang tatlo o apat na baka na kumakain sa kadamohan.
Tapos bigla akong inutusan ni Allah na iguhit ang pagpipinta ng tama gaya ng kanyang ipinakita sa akin sa aking mga panaginip.
Nagsimula akong magpinta sa gilid at ako ay gumuhit ng eksakto sa paraan na nais ni Allah.
Tapos ay unti-unti akong napapagod matapos kong ubusin ang aking lakas.
Ang natapos ko lang sa pagpipinta ay ang kalahati ng pisara.
Nasabi ko sa aking sarili paano na ito hindi na ako makakaguhit pa nang mahigit nito.
Naubusan na ako ng lakas.
Nakumpleto ko lamang ang kalahati ng pagpipinta.
Ngunit ang iba pang kalahati ay natitira pa.
Sa kawalan ng pag-asa ay iniwan ko ang pagpipinta.
At lumakad ako patungo sa kabilang silid kung saan may pinto.
Tinangnan ko ng huling beses ang pagpipinta na aking ginawa.
Nasabi ko sa aking sarili na, sinubukan kong gawin ang makakaya ko upang sundin ang Allah ngunit hindi ko talaga matatapos ang gawain na ibinigay niya sa akin.
Sa eksaktong sandaling iyon, inutusan ni Allah ang mga baka upang makumpleto ang natitirang kalahati ng pagpipinta.
At sa aking pagkamangha ang mga baka ay kumuha ng bras gamit ang isa sa mga paa nasa unahan at nag-umpisang magpinta.
Nalito ako.
Iniisip ko kung paano naging matalino ang mga baka na ito.
Tumakbo ako patungo sa kanila ngunit mabilis silang nagpinta kaya't natapos nila agad ito bago ako umabot sa kanila.
At pagkatapos ay bumalik sila sa pagkakain ng damo.
Noong sinubukan kong kausapin sila hindi sila tumugon. Ang pinipinta ay napakaganda.
Pagkatapos ay naging sikat ito sa buong mundo.
Pinupuri ako ng mga tao na sinasabi na si Qasim ay isang mahusay na artist.
Sinabi ko hindi, sa halip lahat ng papuri ay pagmamay-ari ng Allah.
At siya ang pinakamahusay sa mga taga-gawa.
At pagkatapos si Allah mismo ay gumawa ng isang napakalaking at nakamamanghang pagpipinta.
Wala pang sinumang nakagawa ng ganitong pagpipinta noon.
At pagkatapos ay sinulat ng Allah ang aking pangalan sa sulok.
Ang mga tao ay walang masasabi maliban sa "Subhanallah".
Naisip ng mga tao na ako ay isang kamangha-manghang pintor.
At ang media ay nagtanong sa akin kung saan ko nakuha ang ideya na ito.
Ako ay nanatiling tahimik ngunit sa aking puso alam ko na ang Allah ang gumawa nito.
Nais niyang parangalan ako sa pamamagitan ng pagbibigay sa akin ng kapurihan.
Sa panaginip na iyon, nang makita ko ang pagpipinta kahit ako wala akong masasabi maliban sa "Subhanallah".

Komentar