
Sa panaginip noong Agosto 22 2015.
Nakita ko na may kaguluhan at pagkakagulo sa lahat ng dako.
At ang lahat ng mga Muslim ay abala sa kanilang mga sarili.
Tapos, naabot ko ang isang lugar kung saan ang mga pwersa ng kasamaan ay gumagawa ng plano.
Sinasabi ‘kung papaanu namumuhay ang mga muslim.
Na hindi nila maililigtas ang kanilang sarili.
At pupuksain natin ang bawat isa sa kanila.
At ipahiwatig sa mundo na ginagawa natin ito para sa kapayapaan’.
Pagkatapos nito, nagsimula silang gumawa ng makapangyarihang mga makina isa-isa.
Naisip ko kung paano, na walang pweding makagapi sa makapangyarihan at mapinsalang makina.
Nang matapos nila ang mga makina, bumalik ako.
Ang mga makina ay nagliliparan ng mataas at nagsimulang nagpapaputok sa bawat isa.
At kami na mga Muslim ay nakulong sa gitna kung saan ang lahat ng aming mga gusali at mga negosyo ay nandoon.
At nagkaroon ng isang malaking dingding na humarang upang hindi makita ang ibang bahagi ng mundo kung ano ang mga nangyayari.
Ipinakita nila sa ibang bahagi ng mundo kung gaano kamakapangyarihang ang kanilang mga makina.
At kung paano nakikipaglaban ang dalawang grupo.
Ngunit ang katotohanan, ito ay talagang isang grupo lamang ang sumisira sa mga Muslim at sa kanilang mga tahanan.
Ang masasamang pwersa ay sinabi sa mundo na ang isang grupo ng mga muslims ay may makapangyarihang makina.
At sinabi din nila na “dapat natin itong sirain. O kaya naman ay sisirain nila ang kapayapaan sa daigdig”.
Ngunit ang mga ito ay kasindak-sindak na kasinungalingan at ang lahat mga makina ay nabibilang sa masasamang pwersa.
Ito ay isang makataong dahilan para sa pagpatay sa mga Muslim.
At ipapakita sa mundo bilang matuwid.
Nagtipon ako ng mga tao at tinanong sila "kung paano namin labanan ang mga ito"?
"Dahil sa digmang ito, mapupuksa tayo nang lubos"
Kaming mga muslim hindi namin alam kung ano ang dapat gawin.
At bawat isa ay nagsikap magtago at patuloy kaming pinagpapatay.
Tapos, ang liwanag ni Allah ay nagpakita sa aking kanang hintuturo.
Ngunit hindi pa sapat sirain ang mga makina.
Sinabi ko "O Allah, gumawa pa ng isang bagay kung hindi man kami ay mawawasak".
"Ang aming mga tahanan ay nawala na at marami sa amin ang napatay".
"Kami ay hinihiya sa harap ng buong mundo"
Dinagdagan ni Allah ang liwanag.
Napakaraming liwanag upang siguradong mapupuksa ko ang mga makina.
Lumabas ako upang labanan ang mga makina at nasabi ko “Sa wakas ay oras na upang sirain ang mga makina na iyon.”
Nag-umpisa akong tumakbo at tumakbo sa hangin sa pamamagitan ng awa ng Allah.
Ako ay nakaharap sa mga makina at itinapon ko ang liwanag ng Allah.
At sa aking pagkamangha, hindi nakakaya ng mga makina kahit na isang Segundo . At ganap na ito ay natutunaw.
Pagkatapos, ako ay bumalik at ang lahat ng mga Muslim ay lumabas at nagagalak.
Sinasabi nga ang Allah ay nagligtas sa atin at nagpoprotekta sa atin.
Sinabi ko sa kanila kung papaanong ang Allah ay nasa atin kaya hindi dapat kayo matatakot muli.
Komentar