
Noong Abril, 2015 Nakita ni Muhammad Qasim ang isang panaginip.
Sa panaginip na ito si Muhammad ﷺ, nakipag-usap sa akin sa isang aparato na katulad ng isang telepono.
Ang kanyang boses tila ba siya ay matandang-matanda na, pagod at nag-aalala.
Sinabi niya "Qasim, nanawagan ako sa maraming mga tao ngunit wala sa kanila ang nakinig sa akin. Ngayon ako ay napapagod na at wala na akong lakas."
Sabi ko "Sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin, narito ako para sa iyo".
Sabi niya "Qasim gusto kong makita ka. May napakahalagang gawain, pwedeng pumunta ka sa akin? ".
Sabi ko "Bakit hindi, gagawin ko muna ang aking passport at makakuha ng visa".
Sinabi niya "O sige, pero pakiusap gawin mo ito ng mabilis".
Nagpunta ako sa Travel Agency at sinabi nila na aabot ng tatlo o hanggang apat na buwan.
Tumawag ako kay Muhammad ﷺ. At sinabi sa kanya ang panahon ng paghihintay.
Siya ay nalungkot at sinabi "Manatili ka diyan. Pupunta ako sayo".
Pinilit ko na " Kung makapaghintay ka, darating ako. Matanda ka na at pagod pa at hindi ka dapat pumunta dito sa ganyang kalagayan".
Sabi niya "Hindi anak, ang gawaing ito ay napakahalaga at hindi ito dapat na maaantala".
Sabi ko "O sige sana ay gawing madali ito ni Allah para sa iyo."
Pagkatapos ay nanalangin ako kay Allah upang gawing madali para sa aking mahal na Muhammadﷺ.
Tapos ay nagpunta ako sa paliparan at naghintay para sa kanya.
Nang dumating siya ako ay napakasaya at tumakbo papunta sa kanya siya ay masaya rin.
At sinabi ko "Si Allah ay ang nagdala sa iyo dito nang ligtas".
Sumang-ayon siya at sinabi "Ang Allah ay napakamahabagin."
Pinasakay ko siya sa aking sasakyan.
Ang aking bahay ay naka-upa at halos mapuputulan na ng kuryente.
Siya ay pumasok, umupo at sinabi "Walang sinumang nakinig sa akin. Kung ang aking Islam ay mananatili sa ganitong kalagayan, natatakot ako na ito ay mawala. Ang bawat isa ay bisi sa kanilang mga ginagawa at walang nag-alala sa akin o sa aking Islam. Gusto kong ibahagi mo ang mga panaginip na ipinakita sa iyo ni Allah. At ipalaganap mo ang aking mensahe sa mga tao. May dala akong aparato upang maibahagi mo ang mga panaginip at ang aking mensahe. At sabihin din sa mga muslim na sinabi ko ito: Kahit ano pa man si Qasim siya pa rin ay isa sa aking mga ummah. At hindi ko pinag-iiba ang sinuman sa aking mga ummah. At hindi ko ito hinati sa mga magkaibang pangkat na sasabihin ang islam ay hindi babangon sa Pakistan. Pagmalapit na ang araw ng Qiyamah (araw ng paghatol) ang Islam ay babangon sa isang lugar. At hindi na mahalaga kung saan, basta ang magandang bagay ay ang mga Muslim ay muling magkakaisa. Muling mabawi ang kanilang nawalang estadu at ang Islam ay makikita sa buong mundo na may paggalang. Iyan ang dapat na mangyari, sa gayon, ano ang masama tungkol dito".
Ang sabi ko kanya kahit anong mangyari, kahit gaano kahirap o mapanganib ang trabahong ito ay gagawin ko.
Sa pamamagitan ng pagpapala ni Allah.
Sa pagdinig nito, napaluha sa labis na kaligayahan si Muhammad ﷺ.
Niyakap niya ako at nagsabi "May tiwala ako kay Allah na ayaw mo itong tanggihan".
Huminga siya ng malalim at nagpapasalamat kay Allah.
Tapos sinabi niya "Qasim mayroong isang mapa sa kahon na ito. Sa lupaing iyon kapag naitayo mo ang tunay na lungsod ng Islam sa pamamagitan ng awa ni Allah, pagkatapos ay tatawagan kita na pumunta ka sa akin para sabihin sa iyo kung ano ang susunod na gagawin".
Sinabi ko sa kanya "Huwag kang mag-alala. Ngayon magpahinga ka. Ang gawaing ito ay sa akin ngayon at gagawin ko ito sa pamamagitan ng tulong ni Allah. Inshaallah".
Tapos siya ay nanalangin kay Allah para sa aking tagumpay at sa aking tulong.
Tapos naisip ko na si Allah lamang ang makakatulong sa akin ngayon.
Imposible na magawa ko ang trabahong ito kung wala ang kanyang tulong.
Kaya sinabi ko "Bismillah" at sinimulan kong gawin ang aking trabaho.
Binuksan ko ang kahon at may device na uri ng tablet, may isang mapa, isang mensahe mula kay Muhammad ﷺ at ang mga panaginip ko na ibabahagi sa mga tao.
Nagpunta ako sa mga matataas na muslim kasama ang mensahe na ito ngunit tinawanan nila ako.
Sinabi nila "Umalis ka Qasim at gumawa ka ng ibang gawin at huwag mong aksayahin ang oras namin".
Ito ay nagpasama ng loob ko ngunit sinabi ko "Hindi maaari, pinangakoan ko si Muhammad" ﷺ na gagawin ko ang trabahong ito".
Pagkatapos ay binuksan ko ang mapa upang makita ang khurasan.
At isang larawan ng isang lupain sa silangan ng khurasan ay parang Pakistan.
At may isang sulat na nagsasabi "Kapag malapit na ang Qiyamah (araw ng paghuhukom) makikita mo ang tunay na islam ay lalaganap mula sa lupain bago ang khurasan. Tapos sumama kayo kahit na gagapang pa kayo at nakayapak sa mga kabundukan kailangang makarating kayo doon."
Tapos ay nagbigay ako ng mensahe sa isang tao na nakipag-usap ako nang detalyado.
Ngunit hindi niya ako maunawaan nang mabuti.
Sinabi ko sa kanya na pumunta sa aking bahay at ipapakita ko sa kanya ang isang mapa.
Siya ay nagpunta at sinabi niya "Oo, nabasa ko sa isang hadeeth (salita ni Muhammad ﷺ) na hindi ito ang lupain ng khurasan ngunit ito ay ang lupa kasunod ang khurasan. At kung totoo man ito, kung ganon, ang hukbo ng mga itim na watawat ay ang hukbo ng Pakistan".
Sabi ko "Oo ang Army ng Pakistan ay ang pinakamahusay na army sa mundo. Sapagkat pinapatay nila nang isa-isa ang mga terorista."
Tapos sinabi niya na dapat nating ihatid ang mensaheng ito sa Army ng Pakistan.
Kailangan nating isalba ang huling kastilyo ng Islam.
Sumang-ayon akong sinasabi na dapat nating gawin ito nang mabilis.
Sinabi rin ni Muhammd ﷺ. "Kung sino man ang makakabasa ng aking mensahe ay dapat ibahagi ito sa iba".
Tapos may ibang mga tao sumama sa amin at nag-umpisa na bumuo ng mga pangkat.
At ang ibang mga tao ay daliang binabahagi ang mga panaginip at mensahe.
Tapos ay kumalat ito sa buong mundo sa pamamagitan ng awa ng Allah.
At pagkatapos ay sinabi ng mga matataas na tao na dapat tayo ay naniwala na noon.
Sinabi ko sa kanila na "Kung si Allah ay hindi mahabagin at hindi kami tinulungan, kung ganon man, hindi namin ito magagawa".
Komentar