
Noong Marso 2015, nakita ni Muhammad Qasim ang isang panaginip.
Sa panaginip na ito, ako ay nasa aking lumang bahay at lahat ng bagay doon ay sira at walang ilaw.
Nasabi ko marahil ito na ang nakasulat sa aking kapalaran na habambuhay manirahan dito sa kadiliman.
Ngunit ang Allah ay biglang nasa kanyang trono at sinabi "Qasim, Hanggang kailan ka mananatili sa kadiliman? Lumabas ka sa iyong tahanan at hanapin ang lugar ng aking awa at mga pagpapala. Isang Lugar na Walang kadiliman at kalungkutan".
Agad kong iniwan ang aking bahay na masaya na iniisip kung gaano kabait ang Allah na dumating siya upang kunin ako dito sa kadiliman.
Naglakbay ako ng ilang distansya hanggang nakita ko ang walo o sampung gutom na malalaking lion na umuungol.
Napatakbo ako pabalik sa bahay at takot na takot at isinara ko ang pinto.
Nagreklamo ako kay Allah at kanyang sinabi "Maniwala ka hindi sila makakasakit sa iyo".
Tumingin ako sa labas ng bintana hinanap ko ang mga lion.
Tatlong nakakatakot na aso ay lumitaw na tumatakbo patungo sa bintana na napakalupit tumahol.
Bumagsak ako sa aking likuran habang papalapit ang mga aso.
Ang mga aso ay tumama sa bakal sa may bintana at nalaglag sila nang walang malay.
Nakaupo ako sa sulok ng pader na nagrereklamo kay Allah.
Dahil sa pag-aalinlangan sa kanyang nakaraang pahayag, si Allah ay nagalit at tinamaan niya ng kidlat ang mga aso at lahat ito ay namatay.
Sabi ni Allah "Qasim, nasa sa iyo kung susundin mo ang aking utos o maninirahan ka sa kadiliman na ito magpakailanman. At magtiwala ka sa akin, poprotektahan kita at gagawin kong makakarating ka sa iyong patutunguhan. At Qasim, makapangyarihan ako sa aking ginagawa".
Nawala ang boses ni Allah at nanatili ko doon na iniisip kung ano ang dapat kong gawin.
Tapos naisip ko kahit ano pa ang gagawin ko, aabutan pa rin ako ng kamatayan.
Mas mahusay na mamatay ako sa labas kaysa mamatay dito sa kadiliman.
At pinangakoan ako ni Allah ng proteksyon at tagumpay.
Kaya dapat kong ilagay ang aking tiwala sa kanya.
Binigkas ko ang pangalan ni Allah at umalis sa bahay na may takot at pangamba.
Iniwan kong bukas ang pinto upang madali akong makatakbo at makapasok dito.
Dahan-dahan akong lumabas na may matinding pag-iingat sa simula.
Hindi ko nakita ang alinman sa mga Lions.
Tapos sa unahan nakita ko ang hiwalay na braso ng isang lion.
Naisip ko kung sino ang pumatay sa nakakatakot na lion.
Sa unahan pa, nakita ko ang ulo ng lion. Tapos ang mga katawan ng mga lion.
Guminhawa ang pakiramdam ko nang mapagtanto na si Allah ay gumagawa ng paraan sa akin.
Hinahanap ko ang nur ni Allah, mag-uusisa kung ano ang susunod ko na gagawin.
Nakita ko ang isang malaking gusali at ako ay umakyat sa bubong nito upang hanapin ang nur ni Allah.
Nakita ko ang nur (liwanag) ni Allah ay pupunta sa isang lugar at hinabol ko ito.
Nang naabutan ko ang liwanag, ito ay nawala.
Ang liwanag ni Allah ay nakakabighani hanggang sa nalaman ko nasa ibaba na pala ako.
Nagtaka ako at inisip na bakit hindi ako nahulog?
Napagtanto ko talaga, na si Allah ay gumagabay sa akin sa buong panahon.
Tuwang-tuwa ako at tinawag ko si Allah "Nasaan kayo"?
Tapos sinabi ng Allah ang pangalan ng aking patutunguhan at sabi "Qasim, narito ako. Bilis, punta ka dito."
Sa lakas ng aking loob, tiningnan ko ang lugar at iniisip na kailangan ko siya maabutan.
Tapos nakita ko ang isang malaki, kulay itim at magandang motorsiklo.
Sumakay ako nito ngunit ang kalsada ay puno ng putik na nagpabagal sa akin.
Sana ang kalsada ay maganda upang makakalarga ako ng mabilis.
Nang inisip ko ito, lumitaw ang kulay itim na karpet na daan mula sa lupa at ito ay lumatag.
Masaya ako at minaneho ko ang aking motorseklo ng buong bilis. Narating ko ang aking patutunguhan.
Ito ay isang malaki, maganda at marangal na gusali.
Tuwang-tuwa ako na tumakbo sa loob.
Ang kapaligiran ay kalmado at nakapapawi at napaka mapayapa.
Ang kulay at anyo nito ay medyo kupas na nagpapaakit sa hitsura nito.
Halos parang sariwa pa ang pagkapintura nito ng isang tao.
Pakiramdam ko si Allah ay parang itataguyod niya ulit ang gusali at gawin itong bago.
Pumasok ako sa bawat silid hanngang sa narating ko ang isang malaking bulwagan.
At sa bulwagan na iyon ay ang liwanag ng Allah.
Sinabi ng Allah "Qasim, hindi ba't sinabi ko sa iyo na dadalhin kita dito ng ligtas?"
Sinabi ko sa Allah na "Ginawa mo ang iyong pahayag na totoo at ipinakita mo sa akin ang daan. Inalis mo ako sa kadiliman at dinala mo ako sa liwanag. Sa katunayan, ikaw ang pinakamahusay na gumagabay. Ngayon, tatapusin ko bukas ang natitirang bahagi ng aking trabaho. Pagkatapos ay ipapaalam ko sa iyo ang tungkol sa aking pagkumpleto nito".
Sumagot si Allah sa isang seryosong tono na nagsasabing "Qasim, kung makumpleto mo ang lahat ng iyong trabaho bukas, itatatag ko ang Qiyama (araw ng paghatol) sa gabi".
Komentar