Nagtatrabaho sa Dream House

Foto Muhammad Qasim's dreams English.Enero o Peb 2018.

Ngayon ay nakita ko ang isang panaginip na nakatira kami sa isang bahay.
(Ang bahay na ito nakita ko nang maraming beses sa aking mga panaginip)
Ito ay may napakaraming sira.
At inaayos ito ng maraming tao.
Ako ay nasa loob ng bahay na ginawa ang ilang gawain.
Nang matapos ko ang aking ginagawa, naisip ko.
"Kailangan kong makita ang iba pang mga tao at ang kanilang mga nagawa."
Nagtatrabaho sila pero hindi ko sila nakikita dahil din sa aking mga gawain.
Pumunta ako sa labas sa gilid at nakita ko sila na pinagpipinturahan ang bahay.
Pagkatapos ayusin ang mga pader at iba pang mga gawain sa labas.
Hindi pa sila pumasok dahil sa abala pa sila sa labas.
Nagpunta ako sa pintuan at nakita ko ang mga tao mula sa pinto.
At sila ay abala sa kanilang trabaho, nakita ko ang kanilang gawain sa pamamagitan ng puwang sa pintuan.
Nasabi ko ang dami pang natitira na dapat gawin.
Tatapusin muna nila ang labas saka pa sila papasok sa loob.
At maaaring matatagalan sila.
Nong lumabas ako nakita nila ako at natuwa sila na nandoon ako.
Sinimulan ko ang pakikipagkamayan sa kanila.
Sinabi ko sa kanila abala ako sa aking mahalagang trabaho at nagkaroon lang ako ng kunting oras para makita kayo.
Sinabi nila “huwag kang mag-alala nagtatrabaho din kami dito”.
Tapos, nagkukuwentuhan na kami tungkol sa aming trabaho at dito nagtatapos ang panaginip.

Komentar