NATIONALISM DISEASE

Alam nating lahat ang nasyonalismo ay isang sakit.
At ang malubhang kasalanan na sumira sa mga Muslim na ummah (bansa) upang magkawata-watak.
Ngayon maraming tao ang kumikilala na si Qasim at ang kanyang mga tagasuporta ay mga nasyonalista sa Pakistan.
Subalit maaari kong tiyakin sa inyo na hindi ito ang kaso.
At sa katunayan ito ay talagang kabaligtaran.
Ang pinakatotoo nito ay ang mga panaginip ni Qasim ay tinatawagan ang mga muslim sa buong mundo upang magkaisa muli.
At tungkol sa Pakistan, naniniwala rin kami na hindi espesyal ang Pakistan.
At bukod sa marahil sa ilang magagandang bagay.
Alam din namin na ang Pakistan ay tulad din ng ibang bansa na puno ng kasamaan, pang-aapi at walang katarungan.
At kahit na si Qasim ay inaamin ito.
Ang patunay ay sa unang bahagi ng mga panaginip ni Qasim na isinalaysay noong 2006.
Sa isang panaginip, sabi ni Qasim, tinanong ko ang Allah "Bakit mo nilikha ang Pakistan? Ang bawat imoral na pag-uugali ay nasa Pakistan. Walang kapayapaan o kasaganaan kahit saan. Ang bawat tao'y mahihirap, kawalan ng katarungan at mga pang-aapi sa bawat dako nito."
Ngayon kung iisipin ng maigi ng isang tao hindi ito ang bansa na makabuluhan.
Ngunit ito ang patnubay ng Allah na babaguhin ang kalagayan ng mga muslim sa rehiyong iyon.
At hindi n'yo ba natatandaan noong panahong wala pa ang islam?
Ang Arabian Peninsula ay isa sa mga pinaka-salbahing rehiyon na kilala sa mundo.
Ang ibang mga bansa ay hindi naghahangad na lupigin sila dahil sa kanilang imoralidad.
Ngunit ano ba ang nagpagulat sa mundo ay ang katotohanan na ang pagiging makatarungan doon nagsimulang lumaganap.
Ang lahat ay nagsimula mula sa tig-iilang mga tao lamang.
Sa parehong paraan, ang Pakistan ay tulad din sa Mecca na hindi pa dumating ang islam.
Darating ang panahon na si Allah ay kanyang ipapalaganap ang katutuhanan mula sa lugar na ito at sa buong mundo.
At sa paniginip ni Qasim noong Abril 2015.
Sinabi ni Muhammad ﷺ na "Kahit ano pa man si Qasim siya pa rin ay isa sa aking mga ummah. At hindi ko pinag-iiba ang sinuman sa aking mga ummah. At hindi ko ito hinati sa mga magkaibang pangkat na sasabihin ang islam ay hindi babangon sa Pakistan. Pagmalapit na ang araw ng Qiyamah (araw ng paghatol) ang Islam ay babangon sa isang lugar. At hindi na mahalaga kung saan, basta ang magandang bagay ay ang mga Muslim ay muling magkakaisa. Muling mabawi ang kanilang nawalang estadu at ang Islam ay makikita sa buong mundo na may paggalang."
Kung meron mang nag-iisip na si Qasim at ang kanyang mga tagasuporta ay mga nasyonalista sa Pakistan. Kung ganon ay nagkakamali sila.
Ang mga tagasuporta ni Qasim ay mula sa ibat-ibang sulok ng mundo.
At hindi aabot sa limang porsiyento sa amin ay galing sa Pakistan.
Naniniwala kami sa kapayapaan at naniniwala din kami na ang mga panaginip na ito ay isang katotohanan mula kay Allah.
Wala kaming pakialam kung saan man babangon ang islam.
Nais lang namin ang awa at pagpapala ni Allah sa mundong ito at sa kabilang buhay.
Ako ay isa sa mga tagasuporta ni Qasim at ang aking lahi ay ang Bangladeshi.
At alam naming lahat ang Bangladesh at Pakistan ay may galit sa isat-isa.
Ngunit hindi ko ito iniisip.
Ginabayan ni Allah ang aking puso laban sa kakitiran ng isip at pagmamataas.
Sa uulitin hindi Pakistan ang pinakamahalaga sa lahat.
Ngunit dahil sa biyaya ng Allah ay napakakunting mga tao lamang ang nahikayat habang maraming mga Muslim sa rehiyon ng Pakistan.
At kapag ang kasamaan sa mundo ay halos mawasak ang karamihan sa mga Muslim.
Dito mangyayari ang maraming mga Muslim ay magtitipon sa Pakistan at matagumpay na ipagtanggol ang Islam.
Sa pamamagitan ng byaya ni Allah.
Tapos ang mga muslim na ito ay magpalaganap ng katotohanan at katarungan sa buong mundo.
At matatamasa ang byaya ni Allah at ang mga Muslim sa Pakistan ay isa sa pinakamababa sa atin.
Tunay nga ang Allah ang pinakadakila.

Komentar