
Sa isang panaginip noong ika-30 ng Nobyembre 2017,
Nakita ko na ako ay nasa aking lungsod,
At ang mga kondisyon ay hindi maganda sa lungsod.
Nagkaroon ng malaking kaguluhan, at hindi mapakali ang mga tao.
Ang bawat isang tao ay nakulong sa ilang problema.
At ang mga makapangyarihang tao ay nagmamalasakit sa kanilang sarili lamang.
Nakita ko ang lahat mula sa bubong ng aking bahay at sinabi ko.
"Ito ba ang estado kung saan tayo dapat mabuhay"?
Ako ay nanonood pa rin pagkatapos si Allah ay nagwika mula sa langit na.
"Lumabas ka Qasim, may isang mapayapang lugar kung saan nandoon ang aking mga Pagpapala at Awa"
"Hanapin mo ito, lahat ng uri ng kapayapaan ay nandoon".
Naging masaya ako na ipinakita sa akin ng Allah ang daan.
Lumabas ako sa bahay, at sinimulan kong hanapin ang lugar, ngunit hindi ko ito mahanap.
Nakilala ko ang ilang mga tao at sinabi ko sa kanila na may isang mapayapang lugar at kailangan natin itong hanapin.
Hindi ako makahanap ng daan upang makalabas sa lungsod at mahanap ang lugar na iyon.
Nagpunta rin ako sa ilang malalaking tao at sinabi sa kanila.
Ngunit hindi sila naniwala sa akin at sinabi nila.
"Walang ganoong lugar dito at huwag mag-aaksaya ng iyong oras nang walang dahilan".
Pagkatapos ay sa bandang huli ay umabot ako sa isang lugar kung saan may malaking gusali.
At sinabi ko na dapat akong makapunta sa bubong ng gusaling ito at sikaping makita ang lugar na iyon.
Nakaakyat ako sa bubong ng gusali at tumingin.
Ngunit ang nakita ko lamang ay ang sarili kong lungsod at walang mahanap pang ibang lugar.
Pagkatapos ay sinabi ko "ito ay ang parehong gusali na madalas kong nakikita sa aking mga panaginip".
Nang napunta ako sa malaking gusali, tumalon ako mula rito,
ginabayan ako ni Allah sa pamamagitan ng kanyang awa at pagkatapos ay nagsimula akong tumakbo sa hangin.
Sinabi ko na "Kung gusto kong mahanap ang lugar na iyon dapat akong tumalon".
Inihanda ko ang aking sarili upang gawin ang pagtalon.
Humakbang ako patalikod, tumakbo ng mabilis at tumalon.
At sa halip na ako ay bumagsak ngunit tumakbo ako sa hangin.
At sinabi ko na "Ang Allah ay tunay na gumagabay sa akin".
Tumakbo ako sa hangin ng napakabilis at napakalayo.
Nakalabas ako ng lungsod ngunit ang nakikita ko lamang ay ang mga inabandonang lugar sa labas ng lungsod.
Nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo ngunit hindi ko pa rin mahanap ang lugar na kung saan ay mapayapa at may pagpapala ni Allah.
Ako ay napagod at nabigo.
Pagkatapos, bumalik ako sa aking tahanan at patuloy na nag-iisip na kung gaanong labis akong nagsumikap ngunit hindi ko pa rin mahanap ang anumang bagay.
At hindi rin naniniwala sa akin ang malalaking tao, baka pwede naming matagpuan ang lugar na iyon.
Pagkatapos ay sinabi ko na marahil ang mga tao ay tama.
Na walang ganoong lugar dito, huwag mag-aksaya ng iyong oras.
Ako ay abala sa aking trabaho nang muling nagwika sa akin ang Allah na "Qasim, lumabas ka at hanapin ang lugar ".
"At magpatuloy ka sa pagtakbo hanggang sa makita mo ang lugar na iyon".
"At huwag mawalan ng pag-asa sa Habag ng Allah".
Sa pakikinig sa Allah sinabi ko na sinubukan ko lahat ng paraan kahit noon pa din.
Hindi naniwala sa akin ang malalaking tao at hindi ko din mahanap ang lugar.
Gawin ulit ang trabahong ito ay wala ding silbi.
Pagkatapos ay sinabi ko na "Masmaganda pang mabuhay sa kadiliman kaysa hanapin ang lugar na’yon".
Pero baka maaari kong mahanap yon, pag tumuntong ako sa gusaling iyon.
At tumingin ako sa paligid na iniisip kung saan ako dapat pupunta.
Nasabi ko "Dapat ko munang pumunta sa itaas hanggang sa dulo ng aking makakaya at mula doon ay dapat akong tumingin para sa lugar na iyon".
Ginawa ko ulit ang pagtalon at pumaitaas sa himpapawid sa dulo ng aking makakaya.
Tumingin ako sa lahat ng direksyon ngunit hindi ko pa rin mahanap ang nasabing lugar.
Sinabi ko na "hindi ko talaga mahanap ang nasabing lugar."
Sinabi ko, na "ngayon nasa pinakaitaas na ako.
At dapat ko pang subukan."
Sabi ko, una punta ako sa hilaga, pa-silangan.
Bumaba ako nang kaunti at paharap sa Silangan at nagsimulang tumakbo sa direksyon.
Ang mga malaking tao na hindi naniniwala sa akin ay nakikita rin akong tumatakbo.
Nang malapit na akong makalabas sa lunsod ay nagkaroon ng buhawi.
Pinapabagalan ko aking sarili ngunit kinuha ako ni Allah palabas ng napakaganda mula doon.
Nagsimula ako sa mga inabandunang lugar at patuloy akong tumatakbo nang mabilis.
Hindi ako huminto ngunit pagkatapos ng napakalayong paghahanap ako ay nainis.
At sinabi na "Hindi ko hahanapin ang lugar".
Ngunit sinabi ko sinabi ni Allah sa akin magpatuloy ako sa pagtakbo haggang sa mahanap ko ang lugar.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo at biglang nakakita na ako ng mga maberdeng halaman.
At nang malapit na ako dito, sinabi ko na "ito ang lugar na sinisikap kong hanapin".
"Sa wakas natagpuan ko na ang lugar na’to".
Sinabi ng Allah ang katotohanan, ang lugar na'to ay napaka mapayapa, puno ito ng halaman.
Naging Masaya ako nong mahanap ko ang lugar.
Sinabi ko na dapat akong pumunta dito na may ganap na paghahanda.
Ito ay isang bagong lugar at ito ay mapayapa din at marahil hindi na ako maaaring pumunta sa aking lumang bahay ulit.
Bumalik ako at naglagay ng mga marka para hindi ako mahihirapan sa paghahanap ulit sa lugar.
Ako ay naghahanda sa aking mga bagahe tapos pumunta sa lugar na’yon.
Ngunit sa daan nakasalubong ko ang dalawang tao na nakilala ko dati na naniwala din sa akin.
At nakita din ng mga taong iyon ang mapayapang lugar.
Sinabi ko sa kanila ang buong kuwento at sinabi na natagpuan ko ang lugar na iyon at sila ay naging napakasaya.
At sinabi na dalhin mo kami doon.
Sinabi ko “kayong dalwa humawak kayo sa akin at kung makatakbo ako sa akin sa Awa ng Allah..
Maaari din kayong makatakbo sa hangin kasama ko na hindi malalaglag.
Pagkatapos ay nagpunta kami sa lugar na iyon.
Nang isa sa kamay na aking mga kasama nadulas at muntik nang mahulog ngunit siya ay nahila ko.
Sinabi ko na ito ay mapanganib at dapat gumawa tayo ng masasakayan panghimpapawid upang walang sinumang malalaglag.
Pagkatapos, nakagawa ako ng isang lumilipad na makina sa awa ng Allah at kami ay madaling nakaupo sa loob.
Nang palipad na kami nakita kami ng mga tao at sinabing isama mo kami.
Nong bumaba ako, nakita ko ang mga taong ito ay sa unang pagkakataon ko lang sila nakita .
Sinabi ko rin sa kanila ang lahat, at sila ay naging napakasaya, at sinabi nila isama ko sila.
Sinabi ko, OO. sigurado, nagdagdag ako ang sukat sa lumilipad na makina.
At naging tulad ng isang napakalaking uri ng kotse na lumilipad na makina.
At lahat kami ay nakaupo dito, tiningnan ko silang lahat at sinabi.
"Kung may nawawala sa kanila mula sa mga nakilala ko sa unang pagkakataon?".
"At mga tumulong din sa akin?".
Kapag nasiyahan na ako.
Sa ganon, hindi ko alam kung bakit pa ako maging tamad.
Iniisip ko ang paglalakbay ay napakalayo at pagdumating kami doon hindi na kami makakabalik.
Nasabi ko ang Allah tinapos ang lahat.
Ngayon kailangan ko lang ilipad ang makina tungo sa lugar na’yon.
Ang Allah ay gawin itong makina upang maabot ang lugar na’yon.
At bukod sa kung ano ang gagawin namin sa pamamagitan ng pamumuhay sa kadiliman na ito.
Tumingin ako sa aking bahay at umupo ako sa makina at simulang lumipad patungo sa lugar na mapayapa.
Dito nagtatapos ang panaginip.
Komentar