
Nakita ko ang panaginip na ito noong Marso 19, 2017.
Nakita ko na ang presidente ng USA ay pumunta sa Israel para sa pagbisita. Naisip ko talagang may malalim na dahilan at kailangan kong malaman.
Nagsuot ako ng suit at sumakay sa parang isang eroplano papuntang Israel.
Ang pangulo ng USA at ang punong ministro ng Israel ay nagtipon sa isang gusali upang magkita.
Naisip ko na kailangan kong pumasok sa loob at kung sa kagustuhan ni Allah hindi nila ako makilala.
Binigkas ko ang pangalan ni Allah na nangangahulugang Bismillah at pumasok ako sa loob. Walang pumigil sa akin dahil akala nila na bahagi ako sa pulong.
May malaking bulwagan sa gusali at maraming mga tao sa loob nito.
Binabantayan ko ang presidente ng USA at ang prime ministro ng Israel.
Nakita ko pareho silang pumunta sa sulok ng kuwarto sa isang lugar na may parang kabenit.
Sinundan ko sila at sila ay nakaupo doon at nag-usap.
Naisip ko na kailangan kong lumapit sa kanila upang marinig ang kanilang pinag-uusapan.
Hindi ko alam kung makikilala nila ako dahil wala pang nakakilala sa akin.
Tumayo ako malapit sa kanila na kunwari may sarili akong inisip.
Sinabi ng punong ministro ng Israel na "Halos matatapos ko na ang lihim na Templo ng Dajjal.
At sa lalong madaling panahon ang pangalan lamang ng Palestine ang matitira.
At pagkatapos ay mamamahala tayo sa buong Gitnang Silangan."
Nagulat ako na naitayo na pala nila ang templo ni Dajjal. Habang ako ay walang kamalay-malay.
Umalis ako doon na nag-alala.
At pumunta ako patungong Palestine.
Nakita ko ang mga sundalo ng Israel ay sinisira ang mga kabahayan sa Palestine.
Ang mga maliliit na bata ay tumakas kasama ang kanilang mga ina.
Masyadong masama ang loob ko nang makita ang mga maliliit na bata.
Na kung gaano katinding hirap ang dumating sa kanila. Naisip ko kung paano sila mabubuhay at sino ang makakatulong sa kanila?
Nakita ko silang lahat ay papunta sa gusali na aking napuntahan.
Sabi ko "Bakit kayo pupunta sa gusaling iyon?
Kung saan ay may planong pagpatay sa inyo na ginawa doon." Sabi ng babae "Dadalhin namin ang mga anak namin doon at kung sakaling gagawin ang pagpatay sa amin marahil may awa sila sa mga maliliit na bata."
Mas lalong sumama ang loob ko sa pagdinig ko nito.
Sinabi ko ang mga taong iyon ay napaka-mapang-api. At gumawa sila ng plano upang tapusin ang bawat isa.
Mabilis akong sumakay sa aking eroplano. Upang hanapin ang Templo ni Dajjal at sisirain ko ito bago pa ito makompleto.
Di nagtagal nakita ko ang Templo ng Dajjal.
Ito ay kulay light brown na gusali at ito ay nakompleto na.
Nang makita ko ito, pakiramdam ko may di magandang mangyayari at kailangan kong makaalis dito.
Sa aking pagtalikod ang pagsabog ay nangyari.
At ang buhangin at alikabok ay nagsimulang nagkalat kahit saan.
At nagsimulang mawasak na din ang malalaking gusali.
At ang mga tahanan ng mga Muslim ay naging wasak na wasak na.
Naisip ko ang mga bata. Hinanap ko sila sa gitna ng bagyo.
Ngunit ang bagyo ay masyadong malaki dahil kung saan ang liwanag ng araw ay natakpan nito.
At napakababa din ang temperatura.
Tapos nakita ko ang mga kababaihan at mga bata nasa malayo.
Nang makita ko ang mga bata naisip ko na kung paano sila mabubuhay sa labas na nasa mababang temperatura.
Sinubukan kong puntahan sila ngunit sa bagsik ng bagyo hindi ko kinaya.
Lubos akong nagdalamhati dahil hindi ko sila kayang tulongan.
Naisip ko na hindi ko sila kayang tulungan at wala ding sinumang makakatulong sa kanila, sabi ko si
Allah lang ang pweding magligtas sa kanila.
Nakita ko ang pagkalat ng bagyong-buhangin pati na rin ang napipinsala nito.
Sabi ko sa sarili ko na umalis nalang dito.
Kapag ang makina na ito ay hindi na gagana baka makukulong din ako dito.
Pagkatapos, patungo na ako sa Pakistan at dito nagtapos ang panaginip.
Komentar