ANG MASJID

Foto Muhammad Qasim's dreams English.
Noong Pebrero 25, si Muhammad Qasim ay nakita ang isang panaginip.
At sa panaginip na ito si Rasululullah ﷺ.
Si Muhammadsﷺ ay lumabas sa kanyang bahay pagkatapos magwudu o maghugas para sa asr prayer.
Siya ﷺ ay matanda na at kailangan ng isang tungkod upang makalakad.
Siya ﷺ ay tumawag na nagtatanong "May isang tao ba diyan na dalhin ako sa masjid?"
Ngunit walang ni isang tumugon.
At ang bawat isa ay nananatili sa kanilang mga gawain.
Siya ﷺ ay lubhang nalungkot at naglakad patungo sa pinakamalapit na masjid.
Nang makarating siya ﷺ sa Masjid, walang sinumang naghihintay sa kanyaﷺ.
At natapos na ang pagsisimba, mas lubhang sumama ang kanyang loob at nalungkot na walang naghintay sa kanya.
Lumakad siya ﷺ patungo sa kanyang bahay at walang sinumang nag-alok ng anumang pag-aakay sa kanya.
Kakatapus ko lang sa isang mahirap na trabaho, natagpuan ko siya ﷺ malapit sa kanya bahay.
Sinabi niyaﷺ na "Qasim, dumating ka sa akin nang tapos na ang pagsisimba. Ano na ang silbi ngayon walang nakikinig sa akin at walang naghahatid sa akin papuntang masjid?"
Sabi ko "Huwag kang mag-alala may isang malaking masjid doon sa malayo. Kung ang pagsisimba ay hindi pa nag-uumpisa, ano kaya kung dadalhin kita doon?"
Sabi niya sa isang malungkot na pagkasabi "Qasim, hindi mo ako kayang dalhin sa masjid na malapit. Paanu mo pa ako madadala doon sa malayo? At makaabut sa tamang oras ng pagsisimba? Wala ka ring sakayan, masmabuti pa, huwag mo nang isipin 'yon. Marahil magsisimba na lang ako sa bahay."
Sinabi ko sa kanya "Huwag kang mag-alala kung makakarating ako dito nang mas maaga. Kung magkagayo'y madadala kita sa masjid sa tamang oras. At ang Allah ay sumasa atin kaya madadala kita sa masjid sa tulong ng Allah".
Kaya sinabi niya ﷺ "Magmadali tayo at pumunta tayo sa Masjid!"
Ngayon ako ay nag-alala.
Hindi ko alam ang daan ni wala din akong sakayan.
Ngayon si Allah lamang ang makakatulong sa akin.
Kaya sinabi ng Allah sa aking kanang tainga "Qasim, kunin mo si Muhammad ﷺ at tumakbo ka. Dadalhin ko kayo sa masjid".
Kaya dinala ko si Muhammad ﷺ sa aking mga bisig at tumakbo.
Nagsimula akong tumakbo sa hangin sa awa ng Allah.
Siyaﷺ ay subrang natuwa nang makita ang isang malaking masjid sa harapan namin.
Siya ay nagmalaki sa akin na nagsasabing "Ito ang aking anak. Na nagdala sa akin sa masjid sa tulong ng Allah."
Ang mga tao ay tumayo para sa pagsisimba sa punto na nakapasok si Muhammadﷺ.
At pinangunahan ni Muhammad ﷺ ang pagsisimba para sa iba.
Hindi ako pumasok sa masjid dahil hindi ako nakapag-wudu o nakapaghugas.
Nasabi ko sa aking sarili na kung nakapag-wudu lang ako, gusto ko sanang manalangin kasami sila.
Ang masjid ay napakalaki.
Sa oras na natapos ko ang aking wudu, tapos na din ang pagsisimba.
Kung nagwudu naman ako bago dumating dito, hindi mahabol ni Muhammadﷺ ang kanyang tamang oras sa pagsisimba.
Kahit na, ang mahalaga ay ang nakarating si Muhammadﷺ sa Masjid sa eksaktong oras sa tulong ni Allah.
Nagpasalamat ako kay Allah.
At pinanood ko si Muhammad ﷺ na nagdarasal.

Komentar