ANG MGA SUNDALO NI DAJJAL AY NAGHAHANDA PARA SA LABANAN

Foto Muhammad Qasim's dreams English.
Panaginip ni Muhammad Qasim noong Disyembre 10, 2017.
Nakita ko na nakaupo ako sa aking bahay.
Ang bahay ay inuupahan at luma na.
Kasama ko ang mga ilang tao sa isang silid.
Tapos nagpadala si Allah ng isang lumilipad na makina para sa akin at nagbigay ng isang mensahe na may isang lugar sa kalawakan.
At doon ako ay tinawag ni Allah. Naging masaya ako na binigyan ako ng Allah ng ilang gawain upang gampanan.
At ang Jibrael (aleyhisalam / kapayapaan ay sumama sa kanya) ay dumating at ako ay nakasakay na sa makina.
Tumingin ako sa kanya ngunit nagpunta siya sa silid na kung saan nakaupo ang mga tao.
Tapos umalis na ako patungo sa lugar sa kalawakan.
Pumunta ako na may lubos na bilis at napunta ako sa malayo galing sa mundo.
Nadaanan ko ang isang lugar kung saan may kadiliman sa lahat ng dako.
At nang lumingon ako ay may kadiliman pa rin.
Ngunit hindi ako tumigil at patuloy na lumilipad.
Biglang dumating ang ilang masasamang pwersa at sinabi na "Pigilan siya kapag umabot siya sa lugar na iyon ay mawawasak tayo."
Sinalakay nila ang aking lumilipad na makina at ito ay nawasak.
Ngunit sa tulong ni Allah, ligtas ako.
At walang nangyari sa akin kahit na ako ay nasa kalawakan.
Patuloy ako sa paglipad habang kinokontrol ko ang aking sarili at tumingin para sa tamang daan upang makabalik.
Ngunit hindi ko maintindihan kung saang daan ako nanggaling.
Tinantya ko ang isang daan at nagpunta sa direksyong iyon sa pamamagitan ng paggamit ng aking mga bisig at ng maraming lakas.
Nakuha ko ng napakabilis.
Inisip ko na iniligtas ako ni Allah sa kalawakan at pinayagan ako na lumipad nang walang makina.
At sa gayo'y patnubayan niya ako sa tamang daan at mapunta ako diretso sa mundo at pagkatapos ay sa aking tahanan.
Nagpatuloy ako sa paglipad at natakot din na baka ako ay maligaw at malamang hindi na ako makabalik.
Natuwa ako nang bigla kong nakita ang lupa at tapos dinala ako ni Allah sa aking tahanan.
Nang dumating ako sa bahay, ang Jibreel (alleyhisalam) ay nakaupo pa rin kasama ang mga tao.
Naramdaman ko na nakikipag-usap siya sa mga tao at nagsasabi tungkol sa akin.
Tumingin siya sa akin.
Naisip ko kung bakit si Jebrael (alleyhisalam) ay nakatingin sa akin at bakit nandito pa rin siya?
Ako ay galing sa napakalayo ngunit siya ay nandito pa rin.
Ano kaya ang ginagawa niya na nakaupo kasama ang mga tao?
Pagkatapos ng ilang oras, si Jibreel (alleyhisalam) ay umalis at ang mga tao ay umalis din.
Sa aking pagbalik hindi ko nakilala ang sinuman ni hindi ko nakausap.
Nagpunta ako at umupo ako sa isa pang silid at nag-isip.
Naisip ko na bakit hindi sinabi sa akin ng Allah na may panganib sa daan at kung sinabi niya sa akin ay hindi ako kailanman napunta sa direksyon na iyon.
Nalungkot ako at naisip ko na sumubok labis na panganib at ginamit ko ang lahat ng aking enerhiya at ang resulta ay wala.
Kung alam ko lang hindi sana ako nagpunta sa ganong paglalakbay.
Tapos humina na ako at pumunta ako sa isang lugar at nakilala ko ang isang lalaki mula sa mga taong nasa silid noon.
At tinanong niya na "Anong nangyari sa iyo? bakit ka malungkot?" Sinabi ko na binigyan ako ng Allah ng isang tungkulin na gawin at hindi ko ito nagawa.
Nananatili akong mahina at ang gawaing iyon ay lampas sa aking kakayahan.
Sinabi niya "Huwag kang mawalan ng pag-asa tulad nito.
Ang mahirap na oras ay lilipas rin.
Dapat kang lumabas upang makita ang doktor."
Nagpunta ako sa isang doktor at binigyan niya ako ng reseta para sa isang gamot.
At sinabi niya na kumain ka at bubuti ka ulit.
Umalis ako at inisip na kung saan ko matatagpuan ang ganitong gamot?
Ipinakita ko ito sa taong iyon.
Sinabi niya na "Alam ko kung saan ito makukuha. Gagawin ko ito para sa iyo."
Pagkatapos ay pumunta ako sa isang lugar at may isang lalaki ay gugamawa ng isang bahay.
At talagang pinapabuti niya ang paggawa nito.
Nang makita ko na naisip ko na gusto kong magkaroon ng ganito ding bahay.
Nakilala ko ang isang pangalawang tao at siya rin ay mula sa mga taong nasa silid.
At sinabi niya na "Qasim kami ay gumagawa ng bahay para sa iyo din." Nagulat ako. "Sila ay gumagawa ng bahay para sa akin? Sa anong lugar at bakit?" Dinala niya ako sa isang lugar, at nandoon ang mga tao mula sa silid.
Naisip ko na ang mga taong ito ay ang parehong mga tao na sa bahay at bago ako umalis sa paglalakbay ay nakasama ko sila.
Bakit ginagawa ng mga taong ito ang lahat para sa akin?
Paano nila alam na gusto ko ang isang bahay?
Ang mga tao ay debotong nagtatrabaho at tapat.
Naisip ko na baka nakatanggap sila ng isang mensahe mula kay Allah kaya ginagawa nila ang lahat ng ito?
Tapos, dumating ang lalaki na may dalang gamot.
Nang makita ko ang gamot nasabi ko na ito yong mga multivitamins na iniinum din ng aking ama.
Kinuha ko ang gamot at sinimulan kong panoorin ang bahay.
Ang bahay ay maliit, sa pagkakita ko nito.
Sinabi ko na ito ay isang maliit na bahay, mahirap kung magkasya kami lahat dito.
At wala itong puwang para sa paglalakad.
Kailangan kong bumuo ng isang malaking bahay, at sa aking isipan ang malaking bahay na madalas kong nakikita sa aking mga panaginip.
Tapos, sinabi ko na mas mahusay na ito kaysa sa wala.
Para sa ngayon maaari naming gawin ang dapat gawin sa bahay na ito, at kung gusto ni Allah ay magkakaroon din kami ng malaking baha.
Ang mga taong ito ay nagtrabaho nang husto upang gawin ang maliit na bahay.
Nakatayo pa ako doon at iniisip ang lahat.
May isang taong lumapit sa akin at sinabi na ang labanan ay nag-umpisa sa isang lugar, ang lugar na iyon ay sikat o bantog.
Sinabi ko na paano nangyari?
Sinabi niya na "Ang lahat ng ito ay bigla na lang nangyari. Maaari kang pumunta para makita."
Nakita ko sa TV ay talagang isang labanan ay nagsimula doon. Ang labanan ay patuloy na kumakalat.
At magiging dahilan ito para sa isang malaking kalamidad.
Naisip ko na ito ay patuloy lamang sa pagkalat.
Ang mga taong nagtatrabaho sa akin ay nagsimulang magtrabaho nang higit pa.
At sinasabi nila sa mga tao na ang lahat ng nangyayari na nakita ni Qasim sa mga panaginip ay mangyayari na.
Nagulat ako sa lahat ng nakita ko, nasabi ko na ang mga taong ito ay tapat na ginagawa ang lahat.
Ipinaabot nila ang mensahe sa mga tao at sinabihan sila na magkaisa.
Kung hindi man nila ito gagawin, mula sa digmaang ito ay maraming mga Muslim na bansa ay pupuksain.
Maraming tao ang nakaupo sa paligid nila at pinakinggan sila marami din ang naniwala sa kanila.
Sinabi ko na dapat akong pumunta doon at makita kung ano ang nangyayari.
Nang makarating ako, isang malubhang labanan sa pagitan ng mga Muslim at hindi Muslim ang nagaganap.
Hindi ko maintindihan kung ano ang dapat kong gawin.
Malupit ang pagkakaubos ng mga muslim.
Humugot ako ng lakas ng loob at nagpatuloy.
Nagkaroon ng daan patungo sa isang lugar, pinuntahan ko ito at nakarating ako sa isang bukas na lugar at nagulat ako sa nakita ko.
Ang hukbo ng mga di mananampalataya ay nakahanda doon.
Nang makita ko ito sinabi ko na ito ang parehong hukbo na nakita ko sa aking mga panaginip.
Kapag nawasak ang Turkey at Saudi Arabia ay patungo sa Pakistan.
Maraming eroplano at helicopter at mga tropa sa lupa.
At nadama ko na ang mga sundalo na ito ay kay Dajjal.
Nang makita ko ang lahat ng ito naisip ko na kaming mga Muslim ay hindi sapat na malakas upang labanan ang ganitong hukbo.
Bumalik ako at pumunta sa mga tao at sinabi sa kanila ang lahat.
Na ang mga hukbo ng mga di mananampalataya ay handa at ito na ang panahon kung kailan mawawasak na ng mga hindi mananampalataya ang mga Muslim na bansa.
Sinabi nila na nangangahulugan ito na wala kaming panahon.
Ang mga tao ay patuloy na nagsisikap na maabot ng mensahe ang mas maraming mga tao.
At sinabi na ang mga hindi mananampalataya ay nagpaplano ng isang malaking pag-atake sa atin at kung hindi natin gagamitin ang ating mga talino at magkaisa, isang malaking kalamidad ay gigimbal sa atin.
Magkakaroon ng malaking papel ang Pakistan sa digmaang ito. Ang oras para sa Ghazwa e Hind ay malapit na.
Sa oras na ito nakita ko na ang ilang mga kilalang tao ay dumating at nakaupo malapit sa kanila at nakinig nang taimtim.
Dito nagtapos ang aking panaginip.

Komentar