
Noong Setyembre 20, nakita ko ang isang panaginip.
Nakita ko sa lahat ng dako ay may kadiliman.
Mayroon kami lahat ng bagay ngunit walang elektrisidad upang magkailaw ang mga bombilya at tubelights.
At lahat ay naghahanap ng elektrisidad.
Tapos nakita ko na binigyan ako ng Allah ng kuryente sa pamamagitan ng Kanyang Awa.
Pagkatapos ay pumunta ako sa mga Ulama, Mufti (eksperto sa Islam) at mga pinuno at sinabi ko sa kanila na may kuryente ako.
At kaya kong pailawin ang mga kabahayan ng mga tao nito.
Ngunit ang mga Ulamas, Muftis at Leaders ay hindi naniniwala sa akin na mayroon akong kuryente.
Sinabi nila na ako ay nagsinungaling.
Ang mga Ulamas, Muftis at mga lider ay hindi sumasang-ayon sa akin na meron akong elektrisidad.
Ngunit wala na sila pang ibang sinasabi sa akin.
Hindi rin nila ako pinipigilan at hindi din ako pinagbawalan.
Na hindi ko dapat sabihin ito sa iba.
Sinasabi nila na "Hayaan siya gawin niya ang anumang nais niya. Parang nagsasayang lamang siya ng kanyang oras, wala siyang elektrisidad".
Ngunit ang Allah ay nagsabi sa akin na "Qasim, huwag mag-alala kasama mo ako. Walang sinuman ang makakapigil sa iyo at tutulungan kita".
Tapos tinulungan ako ni Allah at ang mga karaniwang Muslim ay nagsimula ng maniwala sa aking mga salita.
At pagkatapos ang balitang ito ay kumalat sa buong mundo.
Pagkatapos, naniniwala na ang lahat sa akin.
At sinabi nila na "sindihan mo ang lahat ng bagay sa electrisidad na ibinigay sa iyo ng Allah".
Noong kumalat na ang liwanag sa Awa ng Allah, nasabi ng mga Ulama na "Sayang! Dapat tayo ay naniwala sa kanya"
Komentar