
Nobyembre 30, 2015
Ako ay tumatakbo sa isang lugar at napatanong sa sarili kung saan ako pupunta?
Habang si Muhammad ﷺ ay naglalakad sa liwanag.
At pupunuin ng Allah ng liwanag ang lugar na iyon mula sa Kanyang Awa.
At ako ay naroroon.
Sino ang hindi makahanap ng paraan sa pagiging Ummah (bansa) ng Muhammad ﷺ.
Nanalangin ako kay Allah, na upang lumakad sa landas ni Muhammad ﷺ. At upang ako ay maging matagumpay.
Tapos may nakita ako na isang gusali, pumasok ako sa loob at may isang batang babae sa kusina na naghahanda ng tinapay.
Tinanong ko ang batang babae tungkol sa pagkain, ngunit hindi siya nakinig sa akin.
Tinawag ko siya ng maraming beses ngunit hindi rin siya nakinig sa akin ni lumingon man lang.
Isinara niya ang pinto sa kusina, at nakita ko ang mga hagdan pataas at umakyat ako sa kanila.
Habang paakyat ako sa mga hagdanan, nakita ko ang isang malaking bulwagan, may mga Muslim at ang kanilang mga pinuno.
Nang lumapit ako sa kanila, sinabi ng Allah sa aking kanang tainga na "Qasim, isalaysay mo ang mga panaginip na ipinakita ko sa iyo."
Kaya tumigil ako at sinabi sa kanila na "si Allah at si Muhammad ﷺ ay patuloy na dumarating sa aking mga panaginip ng maraming taon."
"At nangako sa akin si Allah na tutulungan niya ako at ililigtas niya ako mula sa kadiliman na ito."
"At ipinakita sa akin ng Allah ang matuwid na landas sa pamamagitan ng mga panaginip."
Nang marinig ito, pinagtawanan ako at sinabi na "ikaw ay baliw?"
"Sino ang nakakita kay Allah sa mga panaginip?"
Ngunit may ilang tao ang naniwala sa akin, at sinabi ko 'bakit hindi?'
"Ang Allah ay magagawa ang lahat ng bagay".
"At si Muhammad ﷺ ay nagsabi sa akin sa mga panaginip na “Qasim ang sinumang sumusuporta sa iyo ay isang tao na sumuporta sa Akin."
Ngunit muli nila akong pinagtawanan.
Sinabi ko na "Pinagtatawanan n’yo ako dahil si Allah at si Muhammad ﷺ ay patuloy na dumarating sa aking mga panaginip".
Kaya sinabi ng kanilang lider na "oo ito ang dahilan kung bakit. At ikaw ay nagsisinungaling."
Tahimik kong nasabi sa aking sarili na “Ito ang mga Ummah na nanalangin kay Allah upang tulungan sila makaalis sa kadiliman at kapag nagpadala na si Allah ng isang tao tapos kukutyain pa nila.
Umalis ako doon at ang mga taong naniniwala ay sumama sa akin.
At sinabi ng iba sa kanila na huwag kayong sumama sa kanya.
At sinabi nila ito ay isang kasalanan.
Ngunit walang nakinig sa kanila. At ang mga taong iyon ay sumunod sa akin.
At sinabi ko sa aking mga kasama na kung ang mga taong iyon ay hindi maniniwala.
Magkagayon yayanigin sila ni Allah.
Kaya lumindol ng malakas at bawat isa ay takot.
Naramdaman ko ang gusali ay babagsak.
Nasabi ko pag ito ay babagsak.
Mapupunit at mabubuksan ang bubong. At ililigtas ako ni Allah at ang mga kasama ko.
Ngunit tumigil ang lindol at ang mga taong kasama ang kanilang mga pinuno, halos silang lahat ay tumakbo sa takot.
Ngunit ang ibang mga lider at ang kanilang mga kasamahan ay pinagkukutya ulit ako. Sinabi ko sa kanila na Si Allah ay nagpadala na ng isang nakakakilabot na lindol.
Hindi ninyo pa rin maintindihan at hinding-hindi n’yo talaga maintindihan.
Tapos nagsalita si Allah mula sa kanyang trono na may napakalaking galit at ang sabi "Patuloy n’yong pinagkukutya si Qasim. Malulumpo ang inyong mga kamay at mawawasak kayo!"
Nang marinig ko ang galit na tinig ni Allah nagising ako, nanginginig na may takot.
Komentar